Chapter 7

893 17 0
                                    


MAIAH.

Kakatapos ko lang kumain nang pumasok si Ced sa kwarto ko at handang-handa na sa pagpasok. Sobrang bango pa. Well, mukhang alam ko na ang dahilan. Sigurado akong sobrang excited pa nito ngayon dahil for the first time, papasok siya na girlfriend niya na si Alexis. Sino ba naman kasi ang hindi lalo na at mahal na mahal mo yung tao. Syimpre, kahit hindi nga kami ni Ced ay nagpapabango ako para kahit papano mapansin niya naman ako. Natatawa na lamang ako sa mga pinag-iisip ko. Sabay na kaming lumabas at bumaba.

Nagulat ako nang makita si Daryll na nakatayo sa harap ng kotse niya at parang may hinihintay. "Uy Daryll, anong ginagawa mo dito? Ang aga mo yata." Sabi ko at lumapit sa kanya. "Good morning Maiah, well, andito ako para sunduin ka. Ihahatid kita sa school." Sabi niya. Bakit ganito ang awra ni Daryll. Parang may problema siya. "Hindi na. Ano ka ba! Ayos lang. Atsaka kasama ko naman si Cedric." Nakakahiya naman kasi. Hindi ko rin naman pwedeng iwan si Ced. "If you want, sumakay na rin siya. May importante lang akong sasabihin sayo Maiah." Base sa itsura niya ay mukhang meron nga. "Hindi na. Sumakay ka na Bucks. Una na ako sa inyo." Agad na naglakad si Ced palayo kaya sumakay na lang ako sa kotse ni Daryll.

"Ano? Magpapanggap ako bilang girlfriend mo? Daryll naman. Ano ba yang sinasabi mo." Reaksyon ko nang ikwento niya ang nangyari kahapon. Alam ko nakakalungkot yun. Isang mahirap na desisyon. Hindi naman basta-basta magpakasal lalo na sa taong di mo kilala kaya naiintindihan ko si Daryll pero ang sinabi niya na magpapanggap kami bilang couple, parang nagdadalawang isip naman ako dun. Alam ko pagpapanggap lang pero ano na lang ang iisipin ng ibang taong makakakita saamin, lalo na ni Ced. Napabuntong hininga ako. "Please Maiah. Kapag nalaman nilang girlfriend na kita, hindi na nila itutuloy." Pagmamakaawa niya. Kita ko sa mata niya ang kagustuhan na hindi matuloy ang kasal. Nakonsensya naman ako. Mabait na tao si Daryll. Hindi niya deserve ang malagay sa ganitong sitwasyon kaya napilitan na lamang akong tumango. "Oo na, hanggang kailan ba?" Ngumiti siya at nakahinga ng maluwag. "Hanggang sa hindi na ituloy ang plano." Tumango ako bilang tugon.

"Thank you Maiah. Sunduin kita mamaya." Aniya pagkarating namin sa school. Siya ang nagbukas ng pinto ng kotse at inalalayan pa ako pababa. Naawakward tuloy ako. Ginagawa niya naman akong prinsesa kahit hindi naman dapat. Hindi ako sanay na tinuturing niya akong ganito. Nakakahiya. "Salamat pero wag na. Kasabay ko naman si Cedric." Nakangiti kong sabi pero umiling siya. "No, I insist. Atsaka date tayo mamaya." Huli niyang sabi at hinalikan ako sa pisngi na ikinagulat ko ng sobra. Bigla akong natulala. Pakiramdam ko bigla akong namula. Natanong ko na naman ang sarili ko kung bakit lagi na lang nangnanakaw ng halik si Daryll. Akala ko ba pagpapanggap lamang. "Bye Maiah, see you later." Tumalikod na ako nang umandar ang sasakyan niya. "Bahala na nga." Naibulalas ko at tumakbo na patungong classroom.

Vacant time nang maisip kong magpasama kay Sadie para hanapin ang librong naiwala ko sa Library. Ilang araw na rin ang nakalipas at namimiss ko ng basahin iyon. Ano na kaya ang nangyari kay Allard at Briella. Kung kailan kasi umamin na dun pa nawala ang libro. Pinapamukha talaga sakin ng tadhana na wala talaga kaming chance ni Ced. Importanteng-importante sakin ang librong yun dahil duon nakabase ang lovelife ko. Kung aasa pa ba ako o magmomove-on. Nakasulat rin doon ang mga sinusulat ko tungkol kay Ced, tungkol sa secret love ko sa kanya. Kaya kailangan kong mahanap iyon. Hindi iyon pwedeng mabasa ng ibang tao.

"Impossible pa nating mahanap yun Maiah. Ang dami kayang libro dito." Reklamo ni Sadie dahil 20 minutes na pero di pa rin namin mahanap. Paikot-ikot na kami sa library pero kahit anino ng librong may titulong 'No More Than Friends' ay wala kaming nakita. Halungkat lang kami ng halungkat sa daan-daang libro hanggang sa mag-aya si Sadie na mag-CR muna dahil naiihi na siya. Mukhang wala na ngang pag-asa na mahanap ko yun.

Habang naglalakad kami ay may lumapit sa amin ni Sadie. "Hi sa inyo!" Bati ng isang babae sa amin. Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang mukha. Sa palagay ko ay fourth year na rin siya gaya namin. "Hello. Bakit?" Si Sadie ang nagsalita. "Kukunin sana namin kayo bilang isang model sa gagawin naming fashion show this coming friday." Nakatingin sa siya sakin kaya sa palagay ko ako yung kinakausap niya. "Model? Bakit ako?" Turo ko sa sarili ko. Hindi naman pangmodel ang katawan ko. Mas okay pa itong si Sadie eh. "Anong hindi, ang ganda mo kaya. Bagay sayo maging model kaya please po? Para po ito project namin. Please po!" Mukhang kailangan nga nila ito pero parang hindi naman ako nababagay sa ganun. "Sige na Maiah. GO NA! Ang perfect mo kaya dito." Cheer pa sakin ni Sadie. Nagdadalawang-isip man ay tinanggap ko na lang. "Yes, pwede po bang makuha number niyo po?"

Ever Love, Never Love (Not a lovestory)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt