Chapter 1

1.5K 28 0
                                    

Dedicated to: YanaJin, I love you po ate. Sobrang ganda ng MHIAMB. Gusto ko lang mapansin mo ako. Godbless po.

MAIAH.

Sa bawat madaraanan ng mata ko, lagi akong napapanganga dahil maliban sa mahal nitong presyo na hindi bumababa sa sampung libo ay dahil sa sobrang ganda nito. Kumikinang na tila nang-aakit na bilhin siya. Na kung sino man ang bibili ay talagang mas magiging maganda. Isang magandang kuwintas na kumikinang lang naman ang makikita sa leeg ng kung sino mang bibili na siguradong makakakuha ng atensyon ng ibang tao. Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko na naman kailangan magsuot nito para lang mapansin ng ibang tao. Isa lang naman ang gusto kong pansinin ako. Si Cedric.

Kasama ko siya ngayon at nasa gilid ko lang siya pero nasa gitna naman ng puso ko. Busy siya sa paghahanap ng kuwintas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa sobrang mahal na kuwintas. Halata rin namang pambabae ang lahat ng nakadisplay dito. Hindi naman siya hilig ng mga ganitong kagamitan. Nung ayain niya ako na magmall ay wala siyang sinabi na may bibilhin siyang ganito. Well, hindi na naman yun nakapagtataka dahil kung anong makita ni Ced na magugustuhan niya dito sa mall ay bibilhin niya. Kaya nga siya tinawag na mayaman. Di ko lang talaga akalain na pati itong mga accessories na mostly pangbabae trip niya ring bilhin.

Hinila niya lang ako basta-basta. Sunod lang din naman ako ng sunod sa kanya. Sabi nga nila diba, follow your happiness at happiness ko si Cedric kaya kung saan siya magpunta susundan ko siya. Tumingin pa ako sa iba-ibang disenyo na nakadisplay. Maraming mga disensyo na makikita na kahit simple lang ay sobrang elegante tignan. Sigurado naman ako na hindi fake ang mga gold na ito. Sa mahal ba naman ng presyo. Sampung libo para lamang sa isang kuwintas. Pwede ko ng ipambayad sa tuition namin yun. Maliban sa kuwintas ay may mga watch din dito tsaka mga mamahaling hikaw na kahit sobrang liit umaabot ng limang libo ang isang pares. Marami namang hikaw na mura lang. May tig-singkwenta nga lang sa bangketa na kahit mga fake lang, sobrang ganda naman.

"Bucks, halika muna. May ipapakita ako sayo." Sabi ng katabi kong si Cedric. Hinarap ko siya at nakita ko na naman ang gwapo niyang mukha na kahit palagi kong nakikita ay di ako nagsasawa. Yung makapal niyang kilay, kulay blue niyang mata, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Kahit kailan talaga, ganito pa rin ang nararamdaman ko kapag nakikita siya. Parang ngayon ko lang siyang nakita na kahit halos siyam na taon na kaming magkasama, wala pa ring pinagbago.

Kakalipat ko lang noon sa isang apartment na titirahan ko dito sa maynila dahil dito ako mag-aaral ng high school. Natanggap ako sa isang malaking scholar na sagot lahat pati na itong titirahan ko. Kailangan kong iwan muna ang pamilya ko sa probinsya para nga mag-aral dito. Sayang din naman kasi ang opportunity kung di ko tatanggapin ang alok. Malaking tulong ito para hindi na gaanong mahirapan ang magulang ko sa pagpapaaral sa amin. Apat rin naman kasi kaming pinapaaral ni muds and puds. Isang college, isang grade five at isang high school na third year. Kaya imbes na dumagdag pa ako sa gastusin ay kahit nakakamiss, pipilitin ko naman para lahat kami makapag-aral. Hindi naman kami ganun kahirap. Mas okay na yung nakakatipid.

Tinuro sakin ng may-ari ng apartment ang room ko at kahit di gaanong klaro kung saan sa dalawang pinto na magkatabi ang tinuro niya ay tumango na lamang ako. Hindi naman problema iyon dahil dalawang pinto lang naman ang nasa second floor ng apartment. Hindi ko lang alam kung saan sa dalawa dahil magkalapit lang naman. Well, hindi naman problema yun. Kakatok na lang ako. Umakyat na nga ako gamit ang ilang palapag na hagdanan dala-dala ang malaking maleta na naglalaman ng gamit ko. Mahirap dahil malaki at mabigat kaya matagal bago ako nakarating sa tapat ng isang pinto. Kaliwang pinto.

Kakatok na lang ako. Kung walang tao, papasok ako pero kung meron edi itong katabing pinto na nga itong room ko. Kumatok ako ng pangalawang beses pero walang sumagot so ibig sabihin ito na nga ang room ko. Pinihit ko ang doorknob at saktong bukas naman. Mukhang tama nga ako. Ito na nga ang room ko. Binuhat ko kaagad ang bag ko at linakihan ang pagbukas ng pinto. Pagpasok ko ay nakita ko ang mga nakakakalat na damit, papel at mga libro at may nakita pa akong isang underwear ng isang lalaki na nakakakalat sa isang color brown sofa. Bakit meron nito sa kwartong ito, sinabi sa akin ng may-ari nitong apartment na maayos naman ang room ko. So ito pala yung maayos sa kanya, sobrang dami ng kalat. Mukhang napabayaan na nga ito. Ako pa talaga ang maglilinis nito. Napakabalasubas naman nang dating nakatira dito. Nag-iwan pa ng maraming kalat.

Ever Love, Never Love (Not a lovestory)Onde histórias criam vida. Descubra agora