Chapter 8

930 25 0
                                    


DARYLL.

Andito ako sa restaurant nang biglang may tumawag sa telepono ko at nakita ko nga ang nakarehistrong pangalan. Si mama. Mukhang nabasa niya na ang tinext ko sa kanyang message. Sinabi ko na magkita kami kasama si Papa at may sasabihin akong importante sa kanila. Mabuti na lamang at andito sila ngayon sa Maynila. Naisip ko na ito na siguro yung tamang oras para ipakilala ko sa kanila si Maiah. I mean, ipapakilala ko sa kanila si Maiah bilang girlfriend ko nang sa gayun ay hindi na nila ituloy ang arrange-marriage na napag-usapan nila.

Sinagot ko ang tawag at sinabing darating kami in 30 minutes sa napag-usapan naming restaurant. Tinawagan ko na rin si Maiah at sinabi nga ang lahat sa kanya. Nag-atubili siya kung papayag ba pero sa huli ay napapayag ko na rin. Hindi talaga ako matanggihan ni Maiah. Kaya mahal na mahal ko ang babaeng iyon dahil sobrang bait niya. Hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko sa kanya. Siya pa rin ang Maiah na gusto kong iharap sa altar at pangakoan ng walang-hanggang pagmamahal. Hahaha! Ang corny ko na.

Inayos ko na ang polo ko at nakangiting tinignan ang sarili sa salamin. Kailangan kong maging sobrang gwapo. Parang date na rin namin ito ni Maiah. Atsaka way ko na rin ito para mas lalong makilala nila si Maiah. So that by the time na maging totoong kami na, madali na lang sa kanila na tanggapin ang magiging future manugang nila. Hehe!

Nagtungo na agad ako sa Apartment ni Maiah para sunduin siya. Nakita ko siyang nakaabang lang sa isang tabi. Tinabi ko ang sasakyan at lumabas.

Nakasuot lamang siya ng simpleng damit pero dahil sa ganda niya, nagmukhang mamahalin ang suot niya. Sobrang ganda niya talaga. Parang gusto ko na lamang siyang titigan magdamag. "Let's go?" Aya ko at binuksan ang kotse. Nginitian niya lamang ako kaya mas lalo akong ginanahan.

Pagdating namin ng venue ay naroon na nga sina mama at papa. Pagpasok pa lang namin ay agad na kami nilang napansin. Ramdam ko na nahihiya si Maiah kaya hinawakan ko na lamang ang kamay niya. Tama nga ang hinala ko. Sobrang lamig ng kamay niya. Natawa na lang ako sa isip ko. Bakit kaya ganun ang mga babae?

"Ma, pa. Si Maiah. Yung kinukwento ko sa inyo." Sabi ko sa kanila. Ngumiti lamang si Maiah. Ganun din naman ang ginawa nila. "Oh. Iha! Ang laki na ng pinagbago mo. Ang ganda mo na." Bati ni mama sa kanya. Matagal na simula nang magkita sila. "Halos hindi kita nakilala." Kitang-kitang sa mukha ni Mama ang pagkamangha sa kasama ko. Ganun din si papa.

"Nako tita." Nahihiyang turan ni Maiah. "Mabuti pa kumain na muna tayo ma." Putol ko. Pinaup ko na lamang si Maiah. "Order na tayo." Si papa yung nagsalita.

FAST FORWARD...

Nakaalis na sina papa at mama pero di pa rin mawala ang ngiti ko dahil finally, sinabi nila na gagawan nila ng paraan para hindi ako makasal sa ibang babaeng hindi ko naman kilala. Inaaasahan ko na naman na mangyayari ito, na tatanggapin nila si Aya at rerespetuhin ang desisyon ko na wala akong balak na itali ang sarili ko sa isang relasyon na walang may gusto. Masaya ako. Sobrang saya kaya malaki ang pasasalamat ko kay Maiah dahil kung hindi dahil sa kanya baka namomroblema pa rin ako.

"Salamat talaga Aya." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Sobrang lambot ng kamay niya. Ang sarap lang sa pakiramdam na hawak-hawak mo ang kamay ng mahal mo. Napangiti na lamang ako sa isip ko. "Ano ka ba? Wala yun. Tinulungan lang naman kita. Kaibigan kita eh." Pagngiti niya sakin. Mas lalong natatamaan ako sa kanya dahil sa mga ngiting iyan eh. "So, ano na next? Mukhang okay na naman. Hindi na tayo kailangan magpapanggap." Nabiglaan ako sa diretsahang tugon ni Maiah. Medyo nalungkot naman ako dahil parang lumalabas na napilitan lang siya sa ginagawa namin ngayon. Hay nako. Sino ba naman ang hindi mapipilitan. Lalo na itong si Maiah na hindi pa nagkakaboyfriend. Kaya naiintindihan ko siya. Hindi ko lang maiwasan na malungkot. Dalawang araw pa nga lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ever Love, Never Love (Not a lovestory)Where stories live. Discover now