Chapter 6

935 18 2
                                    


MAIAH.

"Matulog ka kaya muna. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo." Nilingon ko ang nagsalita sa harap ng kotse at nagsisisi ako kung bakit ko iyon ginawa. Nakita ko kung paano hawakan ni Ced ang kamay ni Alexis. Hindi ako yung hinawakan pero sa palagay ko ang sarap sa pakiramdam na mahawakan ng taong mahal mo at syimpre yung mahal ka rin. Gaya nina Alexis at Ced. Naiingit ako habang tinitignan sila kaya napayuko na lamang ako. Binaling sa bintana ng kotse ang tingin at mapait na ngumiti sa kawalan. Hindi ko na talaga alam kung ano yung dapat kong maramdaman. Kung dapat ba talaga akong maging masaya dahil finally silang dalawa na o dapat akong maging malungkot sapagkat iisa lang ang ibig sabihin nito— na wala na akong pag-asa kay Ced. Hanggang kaibigan na lang ako.

Naalala ko pa yung nangyari kanina nung sabihin ni Ced na sila na nga ng babaeng mahal niya. He was so happy as always because of Alexis and wala akong kakayahan na baguhin iyon. I mean, hindi ko siya kayang pasayahin gaya ng ginagawa ni Alexis. Hindi pala, kahit wala namang gawin si Alexis ay masaya pa din si Ced. Naging masaya naman sina Tita lalo na si Tito at finally sinagot na ang anak niya. Sa palagay ko naman boto si Tito kay Alexis. Napabuntong hininga na lamang ako. Papauwi na kami sa Maynila at mukhang kailangan ko munang magpahinga dahil mahaba pa ang biyahe at isa pa pagod na ako, pagod na rin ang puso ko.

DARYLL.

Dalawang araw na. Dalawang araw ko ng hindi nakikita si Maiah at sobrang miss na miss ko na siya. Para akong mababaliw sa kakaisip sa kanya. Kung bakit kasi sumama pa siya sa kaibigan niya. Sana hindi ko nararamdaman ang ganitong feeling. Yung tipong malayo na naman siya. Kung pwede ko lang siyang sundan ay ginawa ko na kaso hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko. Kailangan ko rin ito para sa future namin ni Maiah. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat. Kinuha ko ang guitar at nagsimulang tumugtog sa taas ng kama.

Now playing: Hanggang Kailan (Umuwi Ka Na Baby) 🎤
By: Orange & Lemon

Labis na naiinip

Nayayamot sa bawat saglit

Kapag naaalala ka

Wala naman akong magawa

Umuwi ka na baby

Hindi na ako sanay ng wala ka

Mahirap ang mag-isa

At sa gabi'y hinahanap-hanap kita

Hanggang kailan ako maghihintay

Na makasama kang muli

Sa buhay kong puno ng paghihirap

At tanging ikaw lang ang

Pumapawi sa mga luha

At naglalagay ng ngiti sa mga labi

'Di mapigilang mag-isip

Na baka sa tagal

Mahulog ang loob mo sa iba

Nakakabalisa, knock on wood

'Wag naman sana

Umuwi ka na baby

Hindi na ako sanay ng wala ka

Mahirap ang mag-isa

At sa gabi'y hinahanap-hanap kita

Hanggang kailan ako maghihintay

Na makasama kang muli

Ever Love, Never Love (Not a lovestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon