Chapter 40: Nalilito..

15.5K 255 8
                                    

Chapter 40: Nalilito..

 

RON P.O.V

 

 

Napatayo si Kenneth ng makita niya ang hawak kong bracelet..

“Pwede ko bang mahawakan yan?” – nakakunot noong tanong ni Kenneth..

Iniabot ko sakanya ang bracelet..

“Bakit nandito ‘to?” –tanong ni Kenneth..

“Alam mo kung kanino ‘to??” – naguguluhang tanong ko..

“Regalo ko kay Pitah ‘to nung 1st monthsary namin..” – sabi niya..

“A-ano?!!” – kinuha ko ang bracelet at tumakbo palabas ng library.. Pero bigla akong hinarang ni Kenneth, anak ng ang bilis manakbo nitong hayop na ‘to.

“Pare, baka naman mali lang..”

“Pero sabi mo kay Pitah ‘to?”

“Oo! Pero hindi magagawang pumatay ni Pitah ng tao..saka isa pa anong ginagawa ng I.D ni Kollins sa library?! Paano napunta yon dun? Hindi ka ba nagtataka? Nililito tayo ng killer..” – sabi ni Kenneth..

“Hindi ko pinag iisipan ng masama si Pitah pero gusto ko lang malaman kung may alam ba siya..Yun lang..”

“Please pare h’wag..Masasaktan si Pitah kapag nalaman niyang pinaghihinalaan mo siya, kaibigan ka niya.” – pagmamakaawa ni Kenneth, kita ko ang pagmamahal sa mata niya para kay Pitah  pero puta kung mahal niya bakit niya pa niloko? Psh..

“Tutulungan kita!” – sigaw niya..

“Anong sabi mo?”

“Tutulungan kita! Gagawa ako ng paraan para mawalang sala si Kollins.” -  seryosong sabi niya..

“Basta, h’wag mo ng isabit si Pitah dito..” – patuloy niya..

Student TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon