Chapter 54: Picture/Group Chat??

17.3K 301 39
                                    

Chapter 54: Picture/Group Chat??

 

YANESSA P.O.V

 

 

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Miggy! What?!! Ang kapal talaga ng mukha nitong isang ‘to!!

“HALIKAN MO SARILI MO!!” – sigaw ko  saka akmang papasok sa loob ng bahay namin!

“Mahirap yon! Diba nga pagmaghahalikan kailangan dalawa.” – natutuwa pa siya sa sinasabi niya?!!

Humarap ako sakanya!

“Hoy Mr.Miguel Rivera! Kahit ipagkalat mo yang panget kong picture hindi kita hahalikan! Yuck! Kadiri! Sinasabi mong inlove ako sayo pero ikaw ‘tong patay na patay saakin!” – sigaw ko saka pumasok na sa loob ng bahay namin! Nakakainis talaga!!

_________

Ikot ako ng ikot sa kama ko pero hindi ako makatulog, kaya naman binuksan ko ang laptop ko para magfacebook.. Ang tagal ko na ring hindi nakapag open ng facebook ko.. Napatawa ako ng makita kong In a relationship na si Pitah at Kollins. Nuks si pinuno may facebook na rin? Kala ko hindi uso sakanya yon! Iba talaga ang nagagawa ng pag ibig.. Iww.

Nag scroll down pa ako.. Nakita ko ang isang wall post ni Reno kay Kai, picture yon kanina sa graduation, nakatoga sila at nakakiss si Reno sa cheeks ni Kai kung dati naiinis ako sakanilang dalawa pero ngayon kinikilig na ako. Naalala ko nanaman yung kadiring labi ni Miggy sa pisngi ko, pinunasan ko ang pisngi ko yuck.

Reno Escritor >>>>> Kai Demesa

Hey baby, I love you so much.. Congratulations sating dalawa.

“Ang daming likes ah.” – nilike ko din yon, merong akong 189 notificatios at 10 friend requests saka 12 PM. Kanina ko pa hindi pinapansin yon dahil sigurado ako wala namang kwenta yon.

Nagulat ako ng biglang nagchat si Reno saakin.

Student TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon