Chapter 43: Ang katotohanan...

16K 264 11
                                    

Chapter 43: Ang katotohanan...

 

YANESSA P.O.V

 

*Flash Back*

 

Tinungga ko ang isang shot ng vodka.. Inilibot ko ang paningin ko dito sa Muztads naalala ko sila, lahat ng sulok nitong Muztads punong puno ng masasayang alaala ng buong barkada, sunod sunod na tumulo ang luha ko.. Bakit ko ba nagawang iwan ang barkada ko para lang sa isang lalaki na alam ko namang hindi ako magugustuhan?

Tinungga ko na ang bote ng vodka, nahilamos ko ng palad ko ang mukha ko. Ang hirap magpanggap na ayoko na silang makasama dahil miss na miss ko na sila. Pero nahihiya ako dahil sa ginawa ko sakanila, lalong lalo na kay Kai muntik na siyang mamatay dahil saakin.

Tinignan ko ang bracelet na suot suot ko.. Hindi ko alam kung kanino ‘tong bracelet na ‘to...Nakuha ko lang ito sa couch dito sa Mustadz kasama ng I.D ni Kollins nung 1st year high school palang kami, at napangiti ako dahil kahit papano alam kong kasama ko ang isa sa mga barkada ko dahil sa bracelet na ‘to, at ang lumang I.D ni Kollins na nagpaalala saakin kung paano ko siya nakilala.. Itinago ko bulsa ko ang I.D niya..

“I’m sorry guys..” – humihikbing bulong ko..

“FCK!! Bakit niyo siya hinayaan na umalis nalang?!” – napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Jasper.

“Anong ginagawa niyo dito?!” – sigaw ko at pinahid ko ang luha ko.

“Oh, nandito pala ang kaibigan ko.” – napalitan ng isang ngiti ang kaninang galit na galit na mukha nii Jasper..

Lumapit siya saakin.

“Anong ginagawa niyo dito?!!” – ulit ko, ayaw ng mga barkada ko na may pumapasok dito na hindi naman kabilang sa grupo!

“Relax, yung p*tangnang Leader ng Samahan ng Tanga binanatan ako.” – iritadong sabi niya at inagaw saakin ang hawak kong vodka at mabilis na tinungga yon.

“Samahan ng Tanga???” – ulit ko, napatingin siya saakin dahil sa tono ng pananalita ko, hinawakan niya ang baba ko at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Student TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon