Chapter 42: Galit..

15.2K 257 11
                                    

Chapter 42: Galit..

 

RON P.O.V

 

Mabilis kong pinaandar ang motor ko papunta sa school, angkas angkas ko ngayon si Glecy. Kasunod naman namin si Kenneth, hating gabi na at nasisigurado kong tulog naman ang Guard ng school..

Pagkadating na pagkadating namin sa school, sakto at nakatalikod ang guard na kumukuha ngayon ng kape sa Coffee Machine, tumakbo kaming tatlo papunta sa computer Lab.. Mabilis na binuksan namin ang server sa Comp.Lab..

Sinabi ni Kenneth saakin ang date nung araw na mamatay si Jasper..Nakatutok kaming tatlo ngayon sa tapat ng monitor..

“Sandali! Sila Jasper yan..” – pinigil ni Kenneth ang kamay ko sa pag lipat ng video at mabilis na pinelay ang video kung saan papasok sila Jasper sa Mustadz..

 Napatigil kami sa video ng Mustadz kung saan kami madalas tumambay noon, .. At hindi ko alam kung paano natumba si Glecy sa pagkakaupo niya ng mapanood namin ang video.. Sunod naman naming pinanood yung sa library kung saan namatay si Jasper..

Mabilis ko siyang inalalayan maupo ulit! Pinaulit ulit kong panoorin ang video dahil ayokong maniwala! Fck!!

“No..Hindi totoo yan...” – paulit ulit na sabi ni Glecy..

Dire-diretsong tumulo ang luha niya..

“Mali yan! Mali yan Mondragon!!” – sigaw niya.

“Shh..Glecy! Glecy makinig ka saken..” – sabi ko sakanya..

Nakita ko naman ang mabilis na paglipat ni Kenneth sa usb nung video..

 "Glecy!” – sigaw ko dahil ayaw tumigil ng luha niya..hindi ko na alam ang gagawin ko..

“Pare, kailangan nanating umalis dito bago pa maglibot yung guard.” – paalala ni Kenneth, inalalayan ko si Glecy..

Student TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon