Chapter 3: Untold feelings.

35.3K 539 18
                                    

Chapter 3: Untold feelings.

 Dedicated kay Miss Xianisse ;)

Meet           *YANESSA JORDAN* >>>>>>>

 

Maikli lang 'to dahil ako ay pagod sa biyahe kanina -_- 

BAGO COVER KO !! Yiiiee salamat kay @lilMissNomnom!! Kinikilig ako first time may gumawa sakin ng cover para sa story ko! SALAMAT! :) , may isa pa siyang ginawa ang ganda din SOBRA!! U-upload ko yon soon! ;) sa ngayon mga characters muna. :)  Basa na kayo! Mejo boring ‘tong chapter na ‘to hinaluan ko kasi ng love story ‘to para mejo masaya LOL ang gulo ko haha!

 


RON P.O.V

Parang may mali sa mga nangyayari.

“Sundan mo siya Kuya Ron.” – bulong ni Kai saken.

Tinignan ko siya.

“Ramdam mo may mali?” – tanong ko sakanya.

Tumango naman siya bilang sagot. Pinat ko siya sa ulo atsaka tumakbo sa parking area para kunin yung motor ko at agad pinaharurot yon para sundan si Kollins. Buti nalang mabilis akong magpaandar ng motor kaya naabutan ko siya sa high way, sumasalubong siya sa mga pabalik na sasakyan at nag oovertake, may  mga nagbanggaan na rin na sasakyan dahil sa sobrang bilis ni Kollins mag drive.

Hininto ni Kollins ang sasakyan niya sa tapat ng Cosmo Bar at agad pumasok sa loob nun.

Pinark ko yung motor ko sa tabi ng kotse niya at pumasok din ako sa loob, nakaupo siya sa bar stool, hindi ko muna siya nilapitan dahil alam kong mainit pa ang ulo niyan. Umupo na muna ako sa isang table at tinitigan muna siya habang sunod sunod na humingi ng alak sa bartender at mabilis na inubos yon. Dahil hindi naman kami mukhang high school kaya siguro sunod sunod pa din ang bigay sakanya ng alak.

“Itigil mo yang lintik na kanta na yan!!” – sigaw ni Kollins.

Lumingon ako sa mini stage kung saan may isang lalaki na tumutugtog ng gitara niya habang sinasabayan niya ng pagkanta. Pero parang walang naririnig yung kumakanta sa mini stage at tuloy parin sa pagkanta.

 


But something happened for the very first time with you

My heart melted to the ground, found something true

Student TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon