Chapter 8: Nahihilo..Nalilito..

24.3K 370 18
                                    

Chapter 8: Nahihilo..Nalilito..

 

Meet        *Tricia Velasco*>>>>>>>>>

 

 

TRICIA P.O.V

 

Ayoko sanang pumasok dahil nakakatamad. Lunes na lunes kasi.. Pinaandar ko na yung kotse ko papunta sa school..

Ang sakit pa din ng mata ko, at yung balat ko mahapdi parin, kaya kahit init na init ako sa suot ko ngayon kinulong ko yung braso ko! Kailangan naming malaman ngayon kung sino yung Jasper na yon.. Lanya wala pang gumawa ng ganito samin..

***

“Aga mo ah?” – salubong sakin ni Reno, ang weird niya simula ng makauwi kami from Olangapo Beach, naging seryoso na siya..

“I’m just excited to see that Jasper.” – sagot ko, excited akong basagin yung mukha niya.

“Tss, punta tayong registrar.. Hanapin natin lahat ng may Jasper na pangalan.” – yaya ni Reno..

Naglakad kami ni Reno papunta sa registrar.

“Bawal studyante dito.” – sita nung isang bantay sa registrar, isang teacher din ‘to eh.

“Gusto mo ikaw patalsikin ko dito? Isang tawag ko lang kay Bernal mawawalan ka ng trabaho!” – sigaw ko.

Tumabi naman siya sa dadaanan namin ni Reno, aga aga nambubwiset.. Tinanggal ko yung shades ko aish mejo namumula pa yung mata ko.

“Jan ka maghanap, dito naman ako.” – sabi ko kay Reno.

Pagkatapos ng matagal na paghahanap..


Jasper Herera

Jasper Dela Cruz

John Jasper Calalo

Mark Jasper Racasa

Student TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon