Noli Me Tangere

65.4K 250 21
                                    

SCENE 3

SETTINGS:BAHAY NI KAPITAN TIAGO

(Nakadungaw at nakaupo lamang si Maria Clara sa kanilang Asotea.Bakas sa kanyang mukha ang pagkalungkot at pagkabalisa. Tila ba may hinihintay siya ngunit hindi pa ito dumadating....)

Kapitan Tiago: Oh,Maria hija. Bakit magisa ka lang? At bakit tila malungkot ka? May problema ba? (Hahawakan ni Kapitan Tiago sa balikat si Maria)

Maria Clara: Wala naman po. May iniisip lang.

Kapitan Tiago: Gusto mo bang magbakasyon muna? Para narin makalanghap ka ng sariwang hangin. Saan mo ba gusto sa Malabon o sa San Diego?

Maria Clara: Sa San Die--- (Hindi na natapos ang sasabihin pa ni Maria dahil kay Tiya Isabel...)

Tiya Isabel: Pinsan maaari ko ba munang makausap ang pamangkin ko? (Tumango na lamang si Kapitan Tiago bilang sagot. Lalapit si Tiya Isabel kay Maria at sasabihing...)

Tiya Isabel: Nandyan na ang kanina mo pang iniintay Maria. (Matapos nya itong sabihin ay biglang papasok si Ibarra. Agad na lumiwanag ang mukha ni Maria ng masilayan si Ibarra... Magkakatitigan sila)

(PLAY LOVE SONG-KAHIT ANO BAHALA NA SI TECHNICAL)

Kapitan Tiago: Oh nandirito ka pala Don Ibarra. An---- (Siniko ni Tiya Isabel ang kanyang pinsan-napa "aray" ito sa ginawa ng pinsan at sinabihang "bakit mo ginawa iyon?" Pinandilatan ng mata ni Tiya Isabel si Kapitan Tiago. Naunawaan naman agad nito ang gustong iparating ng pinsan...)

Tiya Isabel: Ah eh sige maiwan ko na muna kayo. Mamamalengke pa pala ako.

Kapitan Tiago: Ako rin, may aasikasuhin lamang ako. Maiwan ko muna kayo.

(Umalis na ang dalawa at hindi pa rin nauusap ang dalawa. Para bang may malaking pader sa pagitan ng dalawa. Kaya naman napagpasyahan ni Maria na basagin na ang katahimikan...)

Maria Clara: Mabuti naman at nakaisip kang dumalaw. Akala ko nakalimutan mo na ako. (Sabi niya at tumalikod agad kay Ibarra.)

Ibarra: (Yayakapin ni Ibarra mula sa likuran si Maria-back Hug) Hinding-hindi kita makakalimutan Maria. Ultimong sa panaginip ko ay ikaw ang aking nakikita. Hindi ka kailanman nawala sa isip at sa puso ko. Naalala ko pang minsan akong pinagalitan ng aking kompesor,sinabi niya sa akin na kalimutan ka na. Ngunit ikaw pa rin talaga ako sinisigaw ng puso at isip ko.

Maria Clara: Totoo ba ang mga sinasabi mo?

Ibarra: Kahit kalian ay hindi ako nagsinungaling sa iyo. Lalo na't ang mga binibitawan kong mga salita sa iyo ay mula sa puso ko.

(Bahagyang natawa si Maria sa mga matatamis na sinabi ni Ibarra.)

Maria Clara: (Haharap ang dalaga sa binata. Hahampasin ng mahina sa braso) Kahit kelan talaga napakabolero mo

Maria Clara: Sandali.... (Bibitaw sa yakap si Ibarra) Naalala mo ba ito? (sabay pakita ng sulat ni Ibarra)

Ibarra: Iyan ba ang sulat ko ng ako ay umalis?

Maria Clara: May iba pa po ba kayong sinulat sa akin,aking ginoo?

Ibarra: Ano bang sinabi ko dyan?

Maria Clara: Marami... Maraming kasinungalingan. Sinabi mo dito na kailangan mong umalis at mag-aral sa ibang bansa dahil sa kagustuhan ng iyong ama. At---

Ibarra: Ah! (Mapapasapo sa noo.) Oo nga pala.

Maria Clara: Bakit? May problema ba?

Ibarra: Nakalimutan kong may kailangan pala akong gawin. Kailangan kong magtungo sa aking bayan upang madalaw ang aking ama sa sementeryo.

(Nalungkot ang dalaga sa sinambit ng binata ngunit di na niya pinigilan si Ibarra bagkus ay binigyan niya ito ng bulaklak...)

Maria Clara: Humayo ka na, hindi kita pipigilan. Pagdating mo doon ay ialay mo itong bulaklak sa libingan ng iyong ama. Huwag kang magalala ilang araw rin lang ay magkikita tayong muli. (Yayakapin si Ibarra at sasabihing...) Magiingat ka Ibarra. Mahal na mahal kita.

Ibarra: Maraming salamat sa iyong pangunawa Maria. Mahal na mahal din kita.

(kakalas sa yakap si Maria. Hahalikan )

Maria Clara: Lumakad ka na.

(Sabi ni Maria habang kumakalas sa pagkakahawak ni Ibarra sa kanyang kamay. Unti-unting naglalayo ang kanilang kamay,hanggang sa tuluyan na silang magkabitaw.)

Maria Clara: Mag-iingat ka Ibarra. Hihintayin kita (sambit niya habang tinatanaw si Ibarra sa malayo.)

Noli Me Tangere Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon