Noli Me Tangere (WAKAS)

33.3K 184 68
                                    

SCENE 20

SETTINGS:GUBAT

(Paika-ikang naglalakad si Basilio patungo sa kanilang tahanan. Nasasabik na siyang makitang muli ang kanyang ina at kanyang kapatid. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakakauwi. Habang naglalakad siya ay may napansin siyang isang babae na pamilyar sa kanya....)

Basilio: Nay? Nay! Nanay! Sandali (Hinabol niya ang kanyang ina ngunit takbo pa rin ng takbo si Sisa. Hanggang sa tumigil sa pagtakbo si Sisa kaya naabutan siya ni Basilio at niyakap agad.)

Sisa: Sino ka? Hindi ikaw ang anak ko.(Sabi niya habang kinakalasa ng yakap ng anak.) Nasa kumbento ang mga anak. Naku baka nakauwi na ang mga iyon,sigurado akong pagod sila. Ah magluluto na lamang ako ng kakainin nila. (Aalis na sana si Sisa ng pigilan siya ni Basilio sa pamamagitan ng pagyakap ditto ng mahigpit...)

Basilio: Nay... Ako poi to si Basilio hindi niyo na po ba ako nakikilala? Nay... (Sambit ni Basilio habang naiyak. Pinagmasdan ni Sisa ang anak at unti-unti niya itong nakilala...)

Sisa: Basilio! Anak! (At mahigpit niya itong hinagkan hanggang sa nakarinig sila ng isang putok ng bala.)

Basilio: Nay.... Nay! (Sigaw niya ng makita niyang dahan dahang nawawalan ng buhay si Sisa. Nakita niya na may dugo ito sa likod....) Nay!!!!! (Sigaw niyang muli habang nakahiga ang nanay niya sa kanyang bisig.) Nay....Wag mo akong iwanan nay....

(May isang lalaking sugatan at sira-sira na ang damit ang darating halos pagapang na siyang lumapit kayna Basilio hawak niya rin ang parte ng katawan niya na may tama ng bala....)

Elias: S-sino ang b-babaeng iyan?

Basilio: Siya po si Sisa.... Nanay ko. (Tugon nito ng naiyak)

Elias: Makinig kang mabuti sa akin. May sugat ako at dalawang araw na akong hindi kumakain at umiinom,ilang oras na lamang siguro ay mamamatay na rin ako. Ganito ang ga-aahhh (Namimilipit na siya sa sakit ng kanyang sugat) Sunugin mo ang mga bangkay namin ng iyong ina. Kung walang dadarating na sinuman ay hukayin mo ang mga ginto na ibinaon ko. Ariin mong iyo ang mga iyon at gamitin mo sa pagaaral. (Hingal na hingal na sambit ni Elias.Bago malagutan ng hininga si Elias ay tiningnan niya ang papalubog na araw at...) Mamamatay akong hindi man lang makikita ang bukang-liwayway sa mahal kong bayan. Kayong mga nakasaksi nito,batiin niyo siya at huwag sanang kalimutan kaming mga namatay at nagtanggol sa Inang-bayan. (Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng buhay ni Elias.)

WAKAS....

--------
Hello ^.^ sa mga nag-ask po ng soft copy nito, email nyo po ako. ^.^

Email niyo na lang po ako sa gmail ko asa bio ko po yung link . EMAIL PO KASI SA NGAYON PO HINDI KO NA PO NABABASA/NAKIKITA YUNG MGA COMMENTS AT PM NYO DITO. AGAIN SA EMAIL PO KAYO AT MAGPAKILALA or else I WILL NOT ENTERTAIN YOU.

So yun lang maraming salamat ^.^

Noli Me Tangere Script {Tagalog}Donde viven las historias. Descúbrelo ahora