Noli Me Tangere

32.6K 111 1
                                    

SCENE 12

SETTINGS:LANSANGAN-WALANG PARTIKULAR NA LUGAR

(Isang di pangkaraniwang panghugos ang ngayon ay itinatayo sa paaralan na pinagagawa ni Ibarra. Habang isinasagawa ito ay maraming tao ang nasa paligid,tulad ng kura, alkalde, kapitan at ilang mga panauhin....)

Alkalde: Ginoong Ibarra maaasahan niyo ang aking tulong. Anumang kailangan niyo ay gagawin ko o kaya nawa'y iuutos ko sa mga tauhan ko.

Ibarra: Maraming pong salamat alkalde ngunit sa ngayon ay wala pa naman akong iuutos.

(Ilang sandali pa ay kailangan ng maglagay ng palitada sa mga uka. Nagbasbas muna si Padre Salvi atsaka naglagay ng paunang palitada ang alkalde at....)

Padre Salvi: Hindi ba kayo maglalagay ng palitada Don Ibarra?

Ibarra: Hindi na,ayoko namang matulad kay Juan Palomo. Ako na nga ang naghanda ako pa rin ang kakain. (sambit nito ng may ngiti sa labi)

Alkalde: Sige na ginoo,maglagay na kayo ng palitada.

Ibarra: Sige na nga. (At agad na nyang kinuha ang kutsarang pampalitada.)

(Nang makapunta na si Ibarra sa hukay ay nagtumbahan ang mga kawayan at lumikha ito ng isang makapal na alikabok. Nagsigawan at nagtakbuhan ang mga tao,habang sina Padre Salvi at Maria Clara at parang nasa statwa sa kanilang posisyon. Nang mawala ang alikabok ay nakita nila ang isang nakatindig na Ibarra at ang nahandusay na isang manggagawa na natumbahan ng mga kawayan....)

Ibarra: Tulungan niyo akong inahon ang sawingpalad na lalaki.

(Ng making ni Maria ang tinig ni Ibarra ay nawalan ito ng malay,mabuti na lamang at kasama niya ang kanyang mga kaibigan kaya nasalo agad si Maria ng kaibigan ng mahimatay ito.)

Sinang: Maria! Maria! Gising! (Sigaw nito habang tinatapik ang pisngi ni Maria. Habang ang alkalde naman ay kaagad na lumapit kay Ibarra.)

Alkalde: Don Crisostomo, ayos lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan? Naku! Ipakukulong ko talaga ang nangangasiwa nito. At Nol Juan iyon.

Ibarra: Ayos lang ako ginoo, at hindi mo na kailangang ipakulong ang nangangasiwa dito sapagkat hindi naman natin sigurado kung sino ang may sala. At isa pa hindi na natin naibabalik ang buhay ng lalaki.Ipagpaubaya mo na lamang sa akin ang pagsisiyasat sa kasong ito,pananagutan ko ang pansamantalang kalayaan ni Nol Juan kahit man lang sa loob ng ilang araw.

(Agad na pupuntahan ni Ibarra si Maria at tatanungin ang kasama nito.)

Ibarra: Anong nangyari sa kanya?

Sinang: Matapos niyang makita na hindi ikaw ang napahamak ay nawalan na siya ng malay. Marahil ay labis siyang kinabahan sa nangyari.

Ibarra: Ah ganun ba? Magiging maayos lang ba siya?

Sinang: Oo naman, pahinga lamang ang kailangan niya. Sige kayo na lamang ang magdala sa kanya sa kanilang tahanan.

Ibarra: Maraming salamat at sige ako na ang maguuwi sa kanya. Magiingat ka sa pag-uwi binibini.

Sinang: Ganun din sayo ginoo.

(Ng makaalis si Sinang ay kaagad na binuhat ni Ibarra si Maria na tila ay bagong kasal at sinambit niya ang katagang....)

Ibarra: Mahal na mahal kita Maria. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung sakaling may mangyaring masama sa iyo.

(Pagkatapos nun ay linisan na niya ang lugar na pinangyarihan ng aksidente. Wala ng tao ang natira sa lugar na iyon maliban na lamang kay Pilosopong Tasyo na nakasaksi din ng nangyari.)

Pilosopong Tasyo: Ito ay isang masamang simula. (At agad niyang nilisan ang lugar.)

Noli Me Tangere Script {Tagalog}Where stories live. Discover now