Noli Me Tangere

38.3K 132 2
                                    

SCENE 9

SETTINGS:ILOG

(Kasalukuyang nakasakay sa bangka sina Maria Clara at Ibarra....)

Iday: Maria kumanta ka naman, para naman magkaroon ng sigla ang paglalakbay na ito.

Maria Clara: Malulungkot ang mga kinakanta ko kaya wag na lang.

Victoria: Ayos lang kahit malungkot para lang magkaroon tayo ng ingay ang tahimik eh hahahaha.

Sinang: Sige na Maria pumayag ka na.

Maria Clara: Hay naku,sige na nga pero isa lang ha.

(Tutugtug ng gitara si Ibarra at kakanta si Maria-Kundiman song,napatulala ang lahat sa mala-anghel na boses ni Maria hanggang sa...)

Leon: Buwaya?! May buwaya sa lawa.

(Walang kaabog-abog na tumalon ang bangkero sa lawa matapos makinig ang sinabi ni Leon... Agad na nagsigawan ang lahat ng nasa Bangka ng tumalon ang bangkero)

Leon: Huwag kayong mabahala ang binatang iyon ay kilala sa paghuli ng mga buwaya.

(Ilang sandali pa ay wala pa ring bangkero na lumilitaw sa tubig kaya napagdesisyunan na ni Ibarra na sumunod sa lawa. Nang lumusong si Ibarra ay mabilis niyang nasagip ang bangkero at bumalik na agad sila sa bangka...)

Ibarra: Ginoo.... (Tapik sa pisnge ni Elias) Ginoo....

(At magigising na nga si Elias....)

Elias: Ahem....Aham...Salamat sa iyo ginoo,utang ko sa inyo ang buhay ko. (Sambit nito na halatang nanghihina pa.)

Ibarra: Hindi niyo dapat ginawa iyon. Hindi dapat kayo nagpapadalos-dalos sa mga desisyon na gagawin niyo. Mabuti na lamang ay hindi kayo napahamak.

Maria Clara: Ngunit paano kung ikaw ang napahamak?! Ha! Ano na lang sa tingin mo ang mangyayari sa akin?!

Ibarra: Kung ako'y napahamak at sinundan mo ako ay malamang ay kasama ko na ang aking mga mahal sa buhay ngayon.

Sinang: Ang mabuti pa siguro ay umuwi na tayo. Hindi maganda ang nangyari at tiyak akong mga pagod na rin ang ilan sa atin.

(At nagsagwan na nga pabalik ang bangkero...)

Noli Me Tangere Script {Tagalog}Where stories live. Discover now