Noli Me Tangere

31.1K 82 1
                                    

SCENE 18

SETTINGS:TAHANAN NG ALPERES

(Dali-daling nagpunta si Padre Sibyla sa tahanan ng Alperes. Nang makarating na siya ay....)

Alperes: Mabuti na lamang at pumunta kayo dito. Pupuntahan ko sana kayo ngayon dahil sa mga kambing ninyo na sumisira n gaming bakod. Sa susunod na sirain ulit iyong ng mga kambing ninyo at babarilin ko na sila.

Padre Sibyla: N-ngunhit ha-ha-ha h-hindih iyon ahng pinuntah kho dihtoh (Hingal na pahayag ng Kura.)... Naririto ako upang ipalaam sa inyo na nanganganib ang buhay ng marami. Mamayang gabi ay may magaganap na pag-aalsa.

(Nanlaki ang mata ng alperes sa narinig at agad na kinuha ang kanyang baril.)

Alperes: Sino sa kanila? Sino? Pauulanan ko sila ng bala ang lahat.

Padre Sibyla: Huminahon kayo at makinig ng mabuti. May sapat na panahon tayo hanggang ikawalo ng gabi. Nalaman ko ang pagaalsa sa kumpisalan ng isang babae na nagsabing sasalakayin nila ang kwartel,ang kumbento,kukunin ang palwa ng mga guwardiya sibil at papatayin ang lahat ng Kastila.

Alperes: Sabihin ninyo sa akin kung sino ang babae. At agad ko siyang ipadadampot.

Padre Sibyla: Ipagpatawad ninyo ngunit hindi ko pwedeng sabihin ang pagkatao niya. Ang kumpisal ay sagrado at hindi ito dapat pinagkakalat sapagkat kasalanan itong malaki sa Diyos.

Alperes: Kung gayo'y kailangan nating humingi ng tulong galing sa ibang pankat.

Padre Sibyla: Iyan ang mas mainam na gawin. Oo nga pala maaari rin ba kayong magpadala ng apat na guwardiya sibil sa kumbento?

Alperes: Makakaasa kayo Padre

Padre Sibyla: Salamat ginoo, magiingat kayo sapagkat mamayang ikawalo ng gabi ay uulan ng bituin at krus . Aalis na ako,hanggang sa muli.

(At umalis na nga ang kura sa tahanan ng Alperes.Habang si Elias naman ay tumatakbo patungo sa bahay ni Ibarra at ng makarating na siya ay....)

Ibarra:Elias ikaw pala iyan,anong maipaglilingkod ko sa iyo? Maiba ako alam mo bang nakatuklas ako ng isang kawayan na hindi nagliliyab? Ang galing diba?

Elias: Hindi po kawayan ang dapat nating pag-usapan. Kailangan niyo pong itago ang lahat ng inyong kasulatan at tumakas na rin kayo. Sunugin niyo po ang lahat ng mga kasulatan na makakapagpahamak sa inyo. Kailangan na po nating magmadali.

Ibarra: Naguguluhan ako sayo. Ano ba ang nangyayari?

Elias: Natuklasan ko po na magkakaroon ng pagaalsa mamaya at ang pangalan niyo ang isisigaw ng mga maghihimagsik na bayaran. Ang sabi ay kayo raw ang nagbayad sa kanila.Kaya huwag na po kayong magalinlangan pa. Ngayon din ay kumilos na kayo bago mahuli ang lahat.

Ibarra: Ngunit saan naman ako pupunta? Si Maria Clara naghihintay siya sa akin ngayong gabi.

Elias: Kahit saan basta malayo sa lugar na ito.

Ibarra: Sige tulungan mo na lamang akong ayusin ang aking mga papeles.

(Tinulungan naman siya ni Elias,habang inaayos ni Elias ang mga kasulatan ni Ibarra at may nakita siyang nakapagpagulat sa kanya...)

Elias: Ginoo,kilala ba ninyo si Ginoong Pedro Ibarramendia?

Ibarra: Opo. Nuno ko siya sa tuhod. Pinaikli lamang naming ang apelyido naming dahil masyadong mahaba ito.

Elias: Alam ba ninyong siya ang dahilan ng pagkasawi ng aking angkan. Matagal ko ng hinahanap ang apelyidong ito. At tingnan mo nga naman ikaw ang ibinigay sa akin ng Diyos. Makakapaghiganti na rin ako. Dapat kang mamatay!

(Kinuha ni Elias ang kanyang armas at itinutok kay Ibarra)

Ibarra: Huminahon ka Elias mapaguusapan natin ito ng maayos (Sabi niya habang ang dalawa niyang kamay ay nasa harapan niya. Tila ba pinatitigil niya si Elias sa maaari niyang gawin. Ngunit hindi nagpatinag si Elias,itinaas niya ang kanyang armas at....)

Elias: Ahhh...(Ilalapat na sana niya ang kutsilyo kay Ibarra ng bigla siyang natauhan,nabitawan niya ang hawak niya at agad na napaatras sa kanyang kinatatayuan. Napasapo siya sa kanyang noo at kalmadong sinabi kay Ibarra ang....) Maghahanap lamang ako ng bangka na inyong gagamitin sa pagtakas.

(Mabilis niyang nilisan ang tahanan ni Ibarra matapos iyon.)

Noli Me Tangere Script {Tagalog}حيث تعيش القصص. اكتشف الآن