Noli Me Tangere

27.9K 84 1
                                    

SCENE 16

SETTINGS:TAHANAN NINA KAPITAN TIAGO

(Nakakabinging katahimikan ang ngayon ay bumabalot sa tahanan nina Kapitan Tiago,ito ay dahil may sakit si Maria. Ilang sandali pa ay dumating na ang manggagamot na si Dr. Tiburcio kasama ang kanyang asawa na si Donya Victorina kasama rin nila ang binatang pinsan ni Donya Victorina.)

Kapitan Tiago: Salamat naman at dumating na kayo. Donya Victorina at Doktor Tiburcio at..... (sabay tingin sa binatang kasama nila.)

Donya Victorina: Ah, oo nga pala. Ipinakikilala ko sa inyo ang pinsan kong si Don Alfonso Linares,kamag-anak din siya ni Padre Damaso.

Linares: Ikinararangal ko po kayong makilala kapitan (yuyukod)..

Kapitan Tiago: Ganun din ako ginoo.Oh siya mabuti pang dalhin ko na kayo kay Maria upang magamot na agad siya.

(Naglakad na sila patungo sa silid ni Maria at ng makarating na sila ay makikitang lantang-lanta nakaratay sa kama si Maria habang may bimpong nakalagay sa ulo niya. Agad namang pinulsuhan ni Don Tiburcio si Maria,tiningnan din niya ang dila nito at umiling.Nasa loob din ng silid si Padre Salvi, Tiya Isabel at ang mga kaibigan ni Maria,nilapitan agad ni Linares si Padre Salvi...)

Linares: Padre alam niyo ba kung saan ko makikita si Padre Damaso?

Padre Salvi: Maswerte ka at nandito si Padre Damaso sa San Diego,siguro at mayamaya ay narito na siya.

Linares: Marami pong salamat.

(Mapapadpad ang tingin ni Linares kay Maria tila ba may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya ng masilayan niya dalaga.....)

Kapitan Tiago: Malala po ba ang sakit niya?

Don Tiburcio: Magagamot pa naman siya basta inumin lang niya ang reseta ko sa kanya. (Nagsulat ng reseta si Don Tiburcio at ibinigay sa Kapitan...) Siguraduhan ninyong iniinom niya ang mga ito araw-araw.

Padre Salvi: Ginoong Linares.....Ginoong Linares..... (Iwawagayway ang kamay sa mukha nito.)

Linares: Ha? Ah? Ano po iyon?

(Tila bumalik sa katauhan si Linares.)

Padre Salvi: Gusto ko lamang sana sabihin na nandyan na si Padre Damaso.

(Dumating si Padre Damaso na putlang-putla halatang galing siya sa sakit. Agad niyang hinwakan ang kamay ni Maria at...)

Padre Damaso: Maria hija. Anong nangyari sayo? Nagalala ako ng lubos ng malaman ko na may sakit ka daw.

Tiya Isabel: (Hahawakan sa balikat ang pari) Maayos naman daw ang kalagayan niya,kailangan lang daw niya inumin ang mga gamut na nireseta sa kanya atsaka syempre kailangan din niya ng sapat na pahinga. Kaya wag ka ng magalala.

Donya Victorina: Kapitan Tiago,mauuna na kaming umalis. May mga bagay pa kaming dapat asikasuhin.

Kapitan Tiago: Sige,maraming salamat sa inyo. At hayaan niyo akong ihatid hanggang labas.

(Umalis na nga sila ng tahanan ni Kapitan Tiago at si Linares at titig na titig pa rink ay Maria kahit ng sila ay paalis na.)

Noli Me Tangere Script {Tagalog}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon