CHAPTER 2

194K 4.6K 71
                                    

CHAPTER TWO

NAGISING si Amber dahil nahihirapan na siyang huminga at masikip din na halos hindi na siya makagalaw. Pilit niyang iminulat ang mga mata at ganoon na lang ang pagtataka dahil hindi naman kulay-blue ang wall ng kuwarto niya. She scanned the room. It was so manly at pati ang amoy niyon ay ganoon din.

Busy ang mga mata niya sa pag-scan ng kuwarto nang biglang may gumalaw sa tabi niya. Kusang namilog ang kanyang mga mata nang mapagtanto kung sino iyon.

Clarkson was sleeping peacefully beside her while one of his arms was wrapped around her waist. Bahagya siyang gumalaw dahil naiipit na talaga siya. Pero mahina lang itong umungol at isiniksik ang ulo sa leeg niya.

"Let me go." She frowned. But deep inside, she wanted to stay like this. It felt like she belonged to him and she had always felt safe every time she was with this man.

Dahil natutulog pa talaga si Clarkson, nagkaroon siya ng pagkakataon na titigan ang mukha nito. He had this messy hair pero hindi naman 'yon nakabawas sa kaguwapuhan nito, bagkus mas lalo lang itong nagmukhang hot sa paningin niya. Ang linis at ang puti rin ng kutis nito. Unang tingin pa lang ay malalaman mo nang hindi ito basta-basta lalaki lang. May ibubuga, 'ika nga.

Then, one side of his lips suddenly curved up.

"Staring is rude," he said in a husky voice.

Sa gulat ay bigla niya na lang itong naitulak nang malakas dahilan upang mahulog ito sa kama.

"Ouch! You hurt my sexy butt, woman!" He groaned.

Umupo siya para tingnan ito. Bahagyang nakapikit pa ang mga mata at nakahawak sa bandang balakang. Hindi niya na napigilan ang sarili at tumawa nang pagkalakas-lakas. Kahit mawala ang poise niya ay ayos lang dahil talagang katawa-tawa ang hitsura ni Clarkson. She couldn't imagine that a handsome and famous businessman in front of her was damn funny.

"You should see your face. It's priceless!" she said while laughing.

Tumigil lang si Amber sa pagtawa nang maramdamang nakatitig si Clarkson sa kanya. Unti-unti itong tumayo at lumantad sa kanya ang magandang katawan pati na rin ang eight-pack abs nito na nakikipag-eye-to-eye sa kanya. He was wearing his black plain boxer shorts and for Pete's sake ay topless ito! Ngayon niya lang iyon napagtanto kaya bago pa man siya mag-iwas ng tingin ay may malambot na bagay nang dumampi sa maninipis niyang labi.

Bahagya siyang natigilan dahil sa kakaibang dulot ng halik na iyon sa katawan niya. At bago pa siya mawala sa sarili ay nahawakan na ng kanyang kamay ang isang unan at inihampas iyon sa hangal na nanghalik sa kanya.

"Pervert! You jerk!"

She heard him laugh habang hinuhuli ang kamay niya. "I am just shutting you up because you're laughing at me. But if you want more, that's fine with me."

Namula siya dahil hindi naman siya ipinanganak kaninang madaling-araw lang para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng sinabi nito.

Sinamaan niya ito ng tingin nang biglang may maalala.

"What did you do to me?!"

Niyakap ni Amber ang sarili hindi dahil natatakot pa rin siya sa ginawa nitong pananakot sa kanya kagabi, naka-get over na siya roon. Natatakot siya dahil baka may ginawa itong masama sa kanya noong natutulog pa siya. Baka pinagsamantalahan siya nito.

Namutla si Clarkson at nag-iwas ng tingin.

Natatakot siya dahil baka kinuha nito ang virginity niya pero wala naman siyang kakaibang nararamdaman sa sarili. Normal pa rin naman at ang damit niya ay ganoon pa rin. Pero hindi dapat siya magpakapanatag. Kailangan niya pa ring masiguro kung may nangyari ba o wala.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon