CHAPTER 10

133K 3.8K 108
                                    

CHAPTER TEN

SUMIMANGOT si Amber at bumangon mula sa pagkakahiga. Panaginip lang pala niya ang narinig mula kay Clarkson.

"Are you sure, babe? I heard something."

"Yes, baby. Si Scott 'yon, may itinanong lang. Ano ba 'yang narinig mo?" tanong nito na hinawi ang mga nagkalat na buhok sa kanyang mukha.

"Forget it. It's just a sweet dream." And she smiled at him.

Kapag nagsasabi siya ng "I love you" dito ay "same to you" lang ang laging ganti nito sa kanya. Iniisip niya, baka nahihiya itong magsabi ng ganoong salita o hindi ito sanay kaya iniintindi niya na lang.

"I have to leave tonight, babe. May emergency meeting sa branch sa Singapore. I will be back the day after tomorrow."

"Can we visit Singapore some time? I want to see your branch there. Elisse said marami raw kayong clients do'n, especially girls."

"Yes, of course, we can visit there and yes, maraming tourists ang pumupunta roon."

"Puwede ba akong sumama ngayon sa 'yo?" inosente niyang tanong.

"No, babe, not now. I have to finish some business there first, 'tapos puwede na tayong bumisita ro'n." May dumaan sa mga mata ni Clarkson pagkasabi n'on na hindi niya maintindihan. Hinalikan siya nito sa noo at sumiksik sa leeg niya. "I love you, Amber. I really do," he whispered.

Umawang ang mga labi niya sa narinig. Hell, she didn't expect to hear those words from him now! It made her happy! Nawala ang agam-agam niya nang marinig ang mga salitang iyon mula rito.

"I've been waiting for months to hear those three words from you, Clarkson. Thank you for loving me. Hindi mo man sabihin iyon lagi, I can still feel your love for me is real."

"I just want to assure you na ikaw lang ang mahal ko. Sana panghawakan mo 'yon... Ikaw lang."

Hindi niya alam kung nagko-confess ba ito o naggu-good-bye? Damn, she really didn't care dahil lutang pa siya sa mga naririnig.

"I will. I trust your words and I know you won't break it."

Lumayo ito sa kanya at marahang hinalikan ang mga labi niya. He searched something on her lips. His kiss went deep until she felt his tongue inside her mouth, exploring. She answered his kiss with the same feeling, wanting. His hands were massaging her breasts now and he pinched her nips when his cell phone suddenly rang again. He released her lips and cursed.

Such a good kisser. Actually, ito ang nagturo sa kanyang humalik sa iba't ibang paraan.

"Babe, answer your phone."

Umiling ito at tumayo. "I have to go."

"Hindi ba puwedeng si Axer na lang ang makipag-meeting?"

Bumuntong-hininga si Clarkson at muling umupo sa gilid ng kama. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "Babalik ako agad, okay?"

"Pero..."

"Ako talaga ang kailangang humarap sa client, hindi si Axer. Please, babe, try to understand." Frustration was visible on his face.

Lihim siyang napangiti. Mukhang kailangan na talagang umalis ng lalaki.

Tinapik niya ito sa balikat. "You can leave now. Huwag kang mambabae do'n, ha." Biro lang naman 'yon.

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Paano kung may babae ako ro'n?"

Alam niyang nagbibiro lang din ito pero ayaw niya. She didn't like that kind of joke from him.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now