CHAPTER 5

132K 4.3K 135
                                    

CHAPTER FIVE

NAPALUNOK si Amber nang makita si Clarkson sa labas ng rest house na may kausap na magandang babae. Nakasuot ang lalaki ng summer shorts at puting sando. Litaw na litaw tuloy ang biceps nito.

Dumako ang tingin niya sa babae. Kung ganda lang din ang pag-uusapan, hindi ito magpapatalo—sopistikada, makinis ang kutis at ang katawan, parang isang modelo. The woman looked familiar. Hindi niya lang masabi kung saan niya ito nakita.

"Amber, hurry up! Kuya Axer and Natalie are waiting," sigaw ni Elisse na nauna na palang maglakad sa kanya at sukbit ang malaking bag. Dinala yata nito ang buong wardrobe nito.

Dali-dali siyang naglakad at sumunod sa kaibigan.

Maganda ang lugar, presko ang hangin at 'yong puting buhangin ay kumikinang dahil sa sikat ng araw. Malinaw rin ang kulay-asul na tubig sa dagat. Ang galing naman ni Axer dahil natagpuan nito ang lugar na iyon. Para silang nasa isang paraiso.

"Hello, everyone! Meet my two beautiful best friends, Natalie and Amber," pagpapakilala ni Elisse sa kanila.

Nagsilapitan sa kanila 'yong iba at nakipagkamay. 'Yong iba ay nakilala na rin kasi nila dati. Naglakad papunta sa direksiyon niya 'yong babaeng kasama ni Clarkson kanina.

"Hi, I'm Mandy." Nakangiti ito at mas maganda pala ito sa malapitan. No wonder nagustuhan ito ni Clarkson.

"Amber." She smiled back and shook her hand.

Sumunod naman agad si Clarkson at umakbay rito. Tumingin ang lalaki sa kanya at ngumiti. 'Yong ngiting hindi nang-aasar. "It's nice to see you here, Amber."

Napatingin siya sa braso nitong nakaakbay kay Mandy. Napansin yata ng babae na nakatingin siya kaya tinapik nito ang kamay ng lalaki.

"Let go," Mandy uttered.

Natawa lang si Clarkson at inalis din naman ang braso sa balikat ni Mandy.

May kung anong kumurot sa bandang dibdib niya sa nakita. Para kasing matagal nang kakilala ni Mandy si Clarkson dahil sobrang close ng mga ito. 'Yong closeness na sana magawa niya rin sa lalaki pero hindi yata mangyayari iyon dahil mas gusto yata nito na asarin na lang siya hanggang sa mamula siya sa galit.



NAGPASYA si Amber na lumabas muna at magpunta sa tabing-dagat. May mga tao rin na palakad-lakad at may mga dim lights sa mga puno upang magsilbing liwanag sa daan. Umupo siya sa buhangin at niyakap ang dalawang binti. Napatingin siya sa kalangitan na puno ng bituin. Ang ganda lang niyong pagmasdan mula sa puwesto niya.

Sabi nila, ang bituin ay parang 'yong taong mahal mo pero hindi puwedeng mapasa'yo. 'Yon bang malaya kang pagmasdan siya sa malayo pero wala kang kakayahang hawakan ito. 'Yong makita mo lang siya, napapangiti ka na. Hindi man ikaw ang kasama niya, kontento ka na dahil alam mong doon siya mas sasaya kung sino man ang pinili niyang makasama.

She talked to her mind. Kapag mag-isa talaga siya ay nabibigyan niya ng kabuluhan kahit isang maliit na bagay.

"Hi there, beautiful."

Napaigtad siya sa nagsalita at umupo sa tabi niya. Of course, alam niya kung kaninong presensiya iyon pero hindi niya ito nilingon.

"Kumusta ka na?" usal niya na nasa mga bituin pa rin ang atensiyon.

"I'm good, medyo busy. Malapit na ang graduation n'yo, right?" tanong ni Clarkson na batid niyang nakatingin na rin sa kalangitan.

"Yes, and my parents can't wait to see me wearing an office attire."

"I can't wait to see you wearing your pencil-cut skirt," he teased.

Napatingin siya sa lalaki at ganoon din ito sa kanya. Pero wala siyang mabasa na emosyon sa mukha nito. Naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito na para bang pinag-aaralang mabuti ang mukha niya.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now