CHAPTER 12

143K 3.8K 558
                                    

CHAPTER TWELVE

"KAILAN MO balak sabihin ang lahat kay Amber?" Axer asked him.

Nasa bar sila na pagmamay-ari ni Scott pero wala ang kaibigan ngayon dahil bumalik ito sa Paris para tapusin ang isang short film na naiwan doon. Sila-sila lang ding mga lalaki ang nakakaalam na si Scott ang may-ari ng bar. Kahit ang mga girlfriend nila ay hindi alam.

"She's pregnant," wika ni Clarkson at sinimsim ang natitirang alak sa boteng hawak niya.

Napapalatak ito. "Congratulations, man!" Sarcasm was evident in his voice.

Binato niya ito ng iced cube. "I don't know what to do. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya. I'm pretty sure na itatakwil ako ni Amber. I can't afford to lose her." Nasuklay niya ang buhok gamit ang kamay dahil sa frustration.

Pati rin naman itong kaibigan niya ay alam niyang may problema sa babae. Samantalang dati-rati ay sila ang pinoproblema ng kababaihan. Nabaliktad na yata ang ikot ng mundo dahil sila ngayon ang hindi malaman ang gagawin sa problemang hinaharap nila.

"This is impossible. Dapat na yata tayong magbago," wika ni Axer na biglang sumeryoso. "I don't even know how to get this woman that I really like now."

Inangat niya ang bote sa harap niya at ganoon din ang ginawa nito. "Cheers!"

"May kilala kang secret investigator, 'di ba? 'Yong trustworthy," tanong niya kay Axer.

Napagkuwentuhan nila 'yon dati nang may problema rin itong kailangang tapusin at kailangan nito ang tulong ng taong 'yon.

"Yeah, you want their service?"

Tumango siya. "How can I contact them?"

"Leave it to me. Just tell me kung ano'ng gusto mong ipatrabaho."

"Gusto ko silang makausap nang personal."

"I made a promise to them. Sorry, but I can't tell you where to find them. Actually, isang tao lang ang nakausap ko at gumawa ng trabahong 'yon and I can't tell the name of their organization."

Wala siyang nagawa kundi sumang-ayon na lang dahil mukhang masyadong lihim ang pagkatao ng sinasabi ng kaibigan na kahit sa kanya ay hindi nito masabi, samantalang wala naman itong itinatago sa kanya. Lahat nga ng babaeng nakama nito ay bilang niya rin, ganoon din ito sa kanya. Best friends talaga sila.

"I want to file a divorce."

Napasinghap si Axer. "Damn it! Ang tagal ko nang hinihintay na gawin mo 'to, Clarkson! You shouldn't have married that woman from the very start."

Yes, he was a married man. Two years na siyang kasal sa Singapore kaya mas madalas siya roon. Sinasabi niya lang na business ang dahilan kaya nagtatagal ang pag-i-stay niya sa bansa pero ang totoo, kasama niya ang asawa.

And yes, his wife was five months pregnant.

And Amber didn't know about his marriage. Once she discovered it, siguradong wala pang isang segundo ay hindi niya na ito makikita.

And that scared him.

"I don't like my wife to accuse me about that divorce. Please tell your friend na gawing imposible na hindi niya malaman na ako ang may gusto n'on."

Secret marriage at biglaang kasal ang naganap sa kanila kaya hindi napabalita iyon. Sa mga kaibigan niya, si Axer lang ang tanging nakakaalam. Pati nga ang parents niya ay hindi alam ang kasal niya.

"Malinis tumrabaho ang taong iyon pero sigurado akong sisingilin ka niya nang triple sa ipapagawa mo, lalo at..." Huminto ito. "Never mind."

"What?" Hindi kasi nito tinapos ang sasabihin.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now