CHAPTER 11

140K 4.1K 112
                                    

CHAPTER ELEVEN


"SAAN ang honeymoon?" tanong ni Amber kay Elisse. Kasal ngayon ng kaibigan and guess what? Ikinasal ito sa doktor na gustong-gusto nito. Steven Drew Lucas.

Masyadong mabilis ang pangyayari at kahit siya ay hindi makapaniwala na hahantong sa kasalan ang lahat. Well, that was destined to happen. Kitang-kita niya sa mga mata ng kaibigan ang kasiyahan.

Tumingin muna si Elisse sa asawa na tila ba ito ang nakakaalam kung saan ang honeymoon.

"We have to go," paalam sa kanila ni Steven.

"Go ahead, mukhang kanina ka pa inaaya ni Elisse." A knowing smile appeared on her lips. Alam niyang alam na ni Elisse ang nais niyang iparating.

Umalis din agad ang newlyweds at naiwan silang magkakaibigan. Dumako ang tingin niya kay Natalie. Hindi niya na muling binuksan ang insidenteng nangyari sa kaibigan isang linggo na ang nakakalipas. Mukha naman kasing okay lang at walang natamong damage si Natalie. Masaya na siya na makita ito sa maayos na kalagayan.

"Babe, I wanna go home," untag sa kanya ni Clarkson na katabi niya lang sa upuan.

Tumango lang siya. Siguradong ilang minuto na lang ay mag-uuwian na rin ang mga nasa reception. Well, umalis na ang mag-asawa kaya aalis na rin ang mga ito.

Tumayo na sila ni Clarkson. Kasabay n'on ay ang pagtayo rin ng mga kasama nila sa table—Axer, Scott and Natalie.

"Alie, sumabay ka na sa amin. Ihahatid ka namin ni Clarkson," aya niya sa kaibigan. Coding ang sasakyan nito at siguradong nag-commute lang ito kanina. Bilib din siya sa kaibigan, walang arte sa katawan.

Nilingon siya nito. "I'm fine, Amber. Thanks."

"I will take you home. Gabi na, baka kung mapa'no ka pa," wika ni Scott na ngayon ay namumula na naman ang mukha.

Mayabang na tiningnan ito ni Natalie. "Look at yourself, Scott. Baka ikaw ang mapa'no. Parang hindi mo na nga kayang maglakad nang deretso. Baka nga hindi ka pa makapag-drive nang maayos dahil sa dami ng nainom mo. And I have this feeling na mas safe ako kapag wala ka sa tabi ko. So back off," sabi nito nang walang hinto-hinto.

Napatanga silang lahat. Well, first, iyan ang pinakamahabang salita na sinabi ni Natalie na narinig nila mula rito. Second, si Scott lang ang may kakayahang pagsalitain nang pagsalitain si Natalie.

"You are not my baby! You are not her! My baby doesn't talk too much like you did. Tell me, where's my Natalie? Where is she?!"

Nanliliit na ang mga mata ng kaibigan niya dahil sa tanong ni Scott. "Shut up!" sigaw nito at padabog na naglakad palabas.

Tumakbo ang lalaki palabas upang sundan si Natalie pero nauntog ito sa glass door. Kitang-kita nila iyon kaya naman napahagalpak sila ng tawa.

"Man, that was funny!" Axer shouted while laughing.

Hinawakan ni Clarkson ang kamay niya at iginiya siya palabas ng hotel.

"Ako na ang magda-drive," prisinta niya.

"No, I can drive," mariing tanggi nito.

Nagkibit-balikat lang si Amber at sinunod ang gusto ng kasintahan. Tahimik lang siya sa biyahe hanggang sa makarating sila sa pamilyar na lugar.

"Bakit dito mo ako dinala?" maang na tanong niya dahil nandoon na sila ngayon sa building kung nasaan ang penthouse ni Clarkson.

"I want to sleep next to you."

"Can't you sleep without me?"

"Yes, baby, most of the time."

Hindi man palagay ang loob, pumasok na lang si Amber sa loob ng penthouse. Agad siyang dumeretso sa kama.

EHS 2: His Part-Time GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon