CHAPTER 6

171K 4.5K 73
                                    

CHAPTER SIX


KAKATAPOS lang halos gawin ni Amber ang morning routine niya nang bulagain siya ng mga kaibigang tunay niya.

"Good morning, pretty!" masayang bati ni Elisse na kakapasok lang sa kuwarto at lumundag-lundag pa sa kama niya. Samantalang si Natalie ay natatawa lang na nakaupo sa wooden chair at nag-cross legs. "Mag-swimming na tayo. Look, ang ganda ng panahon ngayon, parang tayo lang." Nagbuhat na naman ng bangko si Elisse at nag-a la-ramp model pa sa harap nila.

Natawa siya sa ginawa ng kaibigan dahil natapilok pa ito nang bahagya kahit wala namang suot na kahit ano sa paa.

Mabuti at nandito ang mga kaibigan niya para pasayahin siya. Nawala ang kung ano mang naramdaman niya simula pa kagabi nang makita niyang magkayakap sina Clarkson at Mandy. She was here to enjoy and relax. Hindi para magmukmok sa isang bagay na hindi niya alam kung bakit parang sobrang apektado siya samantalang magkayakap lang naman ang mga ito.

Kayo nga nag-kiss pa.

Dali-dali na lang siyang nag-ayos habang 'yong dalawa ay nagpaalam na at magkita na lang daw sila sa labas.

Amber was wearing her red two-piece bikini. Litaw na litaw ang maputi niyang balat at hubog ng kanyang katawan. Magaling talagang pumili si Natalie. Kinuha niya ang towel sa maliit na cabinet sa silid niya at lumabas na.

"Amber, the heiress, you look great in red!" untag sa kanya ni Axer nang makasalubong ito.

"You've seen much better than this, Axer."

Pagak lang itong tumawa. "Anyway, where's my little bratty sister?" He looked around.

"There," turo niya sa direksiyon ni Elisse na may kausap na guwapong foreigner.

Kumunot ang noo ni Axer nang makita nito ang kapatid na hindi alintana ang sikat ng araw makapagpa-cute lang sa kausap.

"Yeah, that's my sister. You want something to drink?"

"No, thanks. Parang mas trip kong lumangoy. See you around." She waved her hand as she walked forward dahil gusto niya na talagang ilubog ang katawan sa tubig.

Lumusong si Amber sa tubig at agad namang bumalot sa katawan niya ang lamig ng tubig na nagpabuhay sa mga natutulog niyang ugat. Nag-umpisa na siyang lumangoy at kapag napapagod ay umaahon din. Ilang beses niyang ginawa iyon at nang tuluyan nang mapagod ay huminto na siya sa paglangoy. Nanatili na lang siya sa tubig.

Nakapikit pa siya dahil mahapdi sa mga mata ang tubig-alat. Hinihingal din siya nang bahagya. Pero parang huminto ang paghinga niya nang may dalawang brasong pumulupot sa kanya mula sa likuran. Hindi na siya magtataka kung sino iyon dahil puso niya mismo ang sumasagot dahil sa sobrang bilis ng tibok n'on.

Ramdam niya ang init ng palad nito na nasa tiyan niya at ang matigas naman nitong dibdib sa likod niya.

Abs? Eight packs? Kape na lang ang kulang at makakapag-almusal na siya! Bukod sa hinihingal pa siya mula sa paglangoy at 'yong mga rambutan niya sa katawan ay nagrarambulan pa kaya late reaction siya ngayon.

She sighed silently. "What the hell is with you, Forbes?!"

"Don't you dare wear that kind of shit again." Ramdam niya ang galit sa boses nito.

"I will wear whatever I want. You don't have the right to stop me."

"I have all the rights."

"Let me go. Baka makita pa tayo ng girlfriend mo!" she shouted.

"Sounds like a jealous girlfriend, huh."

"In your dreams, Forbes."

"I like it when you call me by my last name. It seems like you're practicing being Mrs. Forbes."

EHS 2: His Part-Time GirlfriendWhere stories live. Discover now