Chapter 2: Mystery Call

1.3K 41 5
                                    

Mabilis na lumipas ang isang linggo at dumating na ang araw na luluwas na muli ng Maynila si Maine. Nagdaan ang buong linggo na masaya ang bagong magkasintahan. Hindi mababakas sa dalaga ang mga pinagdaanan ng mga nakaraang buwan lamang. Naghilom ang lahat ng kanyang sugat pati ang mapapait na alaala. Pati ang kanyang mga bangungot ay hindi na rin nangyayari sa kanya. Naging larawan ng bagong simula si Maine lalo ng maging opisyal silang magkasintahan ni Alden. Sa kanyang mga panalangin ay walang tigil ang kanyang pasalamat sa Taas sa pagdating muli ng binata sa kanyang buhay.

Si Alden naman ay buong sipag na sinuyo ang pamilya ni Maine ng buong linggo. Lagi itong nasa bahay ng dalaga at ginagawa ang lahat ng pwedeng gawin sa bahay para makatulong. Halos gabi-gabi ay sya ang nagluluto para sa buong pamilya at halos magreklamo na ang nanay at tatay ni Maine dahil pinatataba daw ata talaga ni Alden ang mga ito. Sa loob-loob ni Alden ay masaya lamang ito na sa wakas ay pamilya na rin niyang maituturing ang pamilya ni Maine.

Biyernes noon pero Lunes pa naman ng gabi ang unang araw ng pagbabalik sa trabaho ni Maine. Inilaan ng dalaga ang weekend para sa mga kailangang gawin sa pagbabalik nya sa Maynila katulad ng appointment niya sa doktor, therapy sa kanyang binti at grocery shopping. Mabuti na lamang at naroon na si Alden para masamahan sya sa lahat ng kanyang lakad. Laking pasalamat na rin ng ama ni Maine na hindi na nya kailangang ihatid pa si Maine sa Maynila dahil nahihirapan na rin siyang magdrive ng matagal at malayo.

"Alden, maraming salamat sa pagsundo at hatid mo kay Menggay namin ha. Malaking tulong sa akin at talaga namang nahihirapan ako ngayong magdrive dahil siguro sa rayuma."

"Wala po yun, Tito! Yun din nga po naisip ko kaya nagleave na lang ako para masundo ko si Maine."

"Basta ipangako mong aalagaan mo ang anak namin ha. Naku! Hindi hindi ko na alam ang gagawin kung may mangyari na naman sa kanya."

"Wag po kayong mag-alala, babantayan ko pong mabuti si Meng."

"Atsaka...ehem! Bawal ang...alam mo na... Kasal muna ha bago ang apo ko. Alam mo na ang mangyayari pag nangyari yan."

Sukat pamulahan si Alden sa sinabi ng ama ni Maine.

"Nirerespeto ko po si Maine. Ihaharap kop o sya sa altar ng buong buo. Promise po, Tito."

"Aasahan ko yan, Alden. Napatunayan ko na rin naman na mahal mo talaga ang aming anak kaya binibigay ko sayo ang aking tiwala. Pero wag mo sana kaming bibiguin."

"Opo."

Nagmano na ito bago magpaalam ng tuluyan.

"Mauna na po kami at mejo mahabang byahe pa rin poi to."

Si Maine naman ay nauna nang makapagpaalam at nasa passenger's seat na rin ng kotse ni Alden. Lumapit na lamang ang kanyang nanay at tatay sa bintana ng kotse kung san naroon ang dalaga para humalik sa huling pagkakataon.

"Anak, alagaan mo ang sarili mo ha. Wag masyadong magaslaw at hindi pa masyadong magaling yang binti mo."

"Mommy naman. Hindi naman po ako magaslaw eh."

"Nako! Wag nga ako Menggay! Nasa tyan pa lang kita eh para kang may dance floor sa loob sa sobrang likot mo!"

"Sobra naman."

"O sha. Hayaan mo na at ikaw naman ang pinakamaganda. Wag mong sasabihin sa dalawa mong kapatid."

"Yun naman eh! Narinig mo yun, Love? Ako ang pinakamaganda sa aming tatlong magkakapatid na babae."

"Lumakad na nga kayo Alden at kumukulit na naman itong si Meng."

"Sus! Mamimiss nyo lang ako! Pinipigilan nyo lang wag maiyak eh! Iiyak na si Daddy! Hahaha!"

Ikaw Ang Aking Mahal (Book2 AKNL) - ALDUB FanFicWhere stories live. Discover now