Chapter 6: The Villa

946 31 13
                                    

"The best talaga ang breakfast pag ikaw ang bumili, Love. Thank you!"

"Naubos mo nga pati yung hashbrown ko eh."

"Eh alam mo namang favorite ko yun eh, kulang ang isa. Sorry na baby ko..."

Inilapit ni Maine ang mukha niya sa pisngi ni Alden habang nakayakap sa balikat ng binata. She gave him small kisses na nagpahagikhik kay Alden.

"Ano ba, Love, ang oily pa ng nguso mo oh. Atsaka mababangga tayo sa ginagawa mo nyan eh."

Binawi ni Maine ang posisyon nya habang nakapout sa pagtatampo.

"Ang baby girl ko naman tampo agad. Oh sige, ititigil ko tong kotse, magkulitan muna tayo?"

"Huy wag naman."

"Ako pa ba, kung pwede lang iuuwi na kita sa bahay ko para pagkagising ko ikaw na agad makikita ko. Kukulitin na agad kita. Bago ako matulog, magpapakulit ako sayo hanggang gusto mo."

"Grabe sya. Grateful lang ako sa breakfast. Thank youuuuuu!!! Mmmwaaahhh!"

Nagpakawala ng flying kiss ang dalaga para kay Alden.

"Uy!"

Kunwa'y sinalo naman nito ang kiss sabay inilapat iyon sa kanyang pisngi.

Walang dull moments sa haba ng kanilang byahe. Maine was her usual self na maraming kwento at kung ano anong pictures ang kinukuha habang si Alden naman ay matiyagang nakikinig sa lahat ng sabihin ng dalaga. Si Alden din ang madalas na subject ni Maine sa kanyang mga kakulitan. The other half ng travel nila ay bagsak si Maine. Tulog na tulog ito na sya rin namang inaasahan ni Alden dahil alam nitong puyat ang dalaga. Manaka-nakang sinusulyapan ng binata ang kasintahan at sa tuwing malalaglag ang buhok ni Maine sa mukha ay hinahawi niya ito at isinusuksok sa likod ng tenga ng dalaga. Sa may bandang Dasmarinas Cavite ay itinabi sandali ni Alden ang sasakyan. Kinuha nito ang neck pillow na nasa likurang upuan ng kotse at inilagay sa leeg ng dalaga. bahagya pa niyang hinaplos ang pisngi ng dalaga. 

My girl...My Maine.

Nakangiting sinasabi ni Alden ito sa kanyang sarili. May mga pagkakataon na para pa rin siyang nananaginip na sila na ni Maine. Pero andito talaga si Maine, nahahawakan niya ang kamay nito. Naamoy niya ang kaunting pabango na nilalagay ng dalaga. Nahahaplos niya ang buhok nito na paborito niyang gawin. Andito si Maine. Kasama nya si Maine. At wala syang hindi gagawin para lamang makasama ang kasintahan habambuhay.

Kinapa niya ang lock ng seatbelt at tinanggal iyon. Inabot ang pisngi ni Maine at hinalikan niya ito ng mabilis pero siniguradong hindi magigising ang dalaga. Mabilis din niyang ibinalik ang seatbelt sa kanyang katawan at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. 

Makalipas ang isa pang oras ay nasa Matabungkay, Lian, Batangas na sila. 

"Love, andito na tayo."

Bahagyang niyugyog ni Alden ang balikat ni Maine at hinawing muli ang buhok mula sa mukha nito.

"Hhhmm... Baba na tayo?"

"Teka wala pa tayo sa resort. San nga ba ulit yun? Matabungkay na to."

"Kaliwa daw papuntang Matabungkay Hotel Resort pero yung resort villa ng Tita ni Bash ay before makarating ng Hotel. Ahhmm...Villa something yung name eh...ano nga ba yun? Sounds pa-famous yun eh."


"Villa? Villa Morales?"

"Hinde. Baliw."

"Villa Natuto?"

"Tigilan mo ako, Alden. Ano nga bang name nung place?"


"Villa Vonnevie?"

"Bonnevie kasi. Saka hindi yun!"

"Villa Quintana?"


"Ayun! 

"Villa Quintana?!? Seriously?!"

"Hinde. Villa Quintanar. Hehehe!"

Ikaw Ang Aking Mahal (Book2 AKNL) - ALDUB FanFicWhere stories live. Discover now