Chapter 4: Sunrise

1.1K 41 15
                                    

"Alden! What a coincidence!"

Ang sabi ng babaeng nakalapit na sa magkasintahan. Matangkad at makinis ang balat nito, mukhang model kung tutuusin. Kulang lang sa height. Cropped top ang suot nito na kita ang sikmura na tinernuhan nito ng tattered shorts na nagpalitaw sa mapuputi nitong mga hita. Naka wedged sneakers ito na nagpadagdag sa tangkad nito na kung tutuusin ay kasing laki lamang niya si Maine.

Ay teh? Night life ba ang pupuntahan mo? Ang OA ng make up ha. Naisaisip ni Maine.

"It's so nice to see you again!"

Ang sabi pa ng bagong dating na dalaga na nakabeso agad sa binata.

Si Maine ay halatang nagpipigil na itulak ang mapangahas na lumapit sa kanyang nobyo. Halos makagat na niya ang kanyang mga labi sa sobrang inis.

"Ah eh... Hi! I'm Maine. Alden's GIRLFRIEND. You are?"

Mabilis na sinuri muna ng dalaga si Maine bago inabot nito ng bahagya ang dulo ng kanyang mga daliri sa nakalahad na palad ng nobya ni Alden para sana kamayan ito. Buti na lamang at nakahanda si Maine at nakapag chest out, stomach in na ang dalaga bago pa man sya pasadahan ng tingin ng kausap.

"I'm Darice Ann. Call me Dara."

Mabilis nitong pakli na halatang nairita sa ginawang pagsabat ni Maine sa magiliw niyang pagbati kay Alden.

"How are you, Alden? Long time no see! Namiss kita ah. Hindi ka man lang nagparamdam nung umuwi ka na dito sa Pinas from Singapore..."

"Oh he's fine! He's good! He's good!"

Muling pagputol ni Maine sa litanya ng babaeng nagpakilalang Dara na sinamahan pa niya ng sarkastikong ngiti.

"Di ba, Love?"

Baling naman ni Maine sa kanyang nobyo na hindi pa rin binababa ang cellphone. Hinigpitan pa ng dalaga ang yapos sa braso ng binata na parang mangungunyapit sa puno ng niyog. At dahil ang kanyang intension ay asarin ang kaharap, inihilig na rin nya ang kanyang ulo sa balikat ng nobyo.

"Ah...eh...Hi Darice Ann, uhhmm Dara... What a coincidence indeed. Sige mauna na kami ha. We're on a date eh and we wouldn't want to stand in your way. This is my very pretty girlfriend nga pala, Maine."

"Hey! No! No! Bored lang ako sa hotel kaya lumabas muna ako. Let's chat more. Kakarating ko lang eh. If may lakad pa si May or kung magshoshopping pa sya, pwede ka naman siguro nyang balikan na lang. Pretty please, May? Sige na. Friend ko talaga tong si Alden eh. Miss ko lang sya."

Si Alden ay nanlaki ang mata sa tinuran ng dalaga. Hindi sa sinabing magkaibigan sila kundi sa lakas ng loob na magrequest ng lukaret na ito sa mismong girlfriend nya na iwanan ito sa kanya.

Sesenyas asana siya kay Maine na wag pagbibigyan si Dara pero mas mabilis mag-isip si Maine.

Luka-luka ata tong babaeng to eh!

"Ok ka lang? Hindi mo ba narinig na WE'RE ON A DATE?!? Alangan namang ipamigay ko yung boyfriend ko sayo! Sorry, but i don't share my boyfriend! And it's MAINE not MAY!"

Mataray na sagot ni Maine kay Dara.

WALANG MAKAKAPIGIL SAKEN! BEAST MODE AKO! LAKAS NG LOOB HIRAMIN SI ALDEN!

Hinila na ni Maine si Alden mula sa tagpong iyon na nagpanganga sa nabiglang si Dara. Hindi na ito nakapalag sa naging reaksyon ni Maine sa kanyang nirequest mula rito.

"What's wrong with her? Anyway, there's plenty of time to get Alden. Mapapansin mo din ako, baby boy. Wait ka lang and we'll be together soon." Tila kinausap ni Dara ang sarili.

Ikaw Ang Aking Mahal (Book2 AKNL) - ALDUB FanFicTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang