Chapter 3: Loafers

1.1K 41 7
                                    


Naging mahaba ang araw na pagbabalik ni Maine at Alden ng Maynila. Hindi pinalampas ni Ate Vi ang pagkakataon kaya naman maghapong nagkwento si Maine tungkol sa mga nangyari sa kanya simula pa nung bago mangyari ang aksidente hanggang sa panliligaw ni Alden ay hindi nakaligtas sa kanya. Matapos ang tanghalian ay nagpasya na lamang si Maine na pauwiin muna si Alden sa apartment nito para makapagpahinga.

"Love, umuwi ka na muna. Hindi ako titigilan ni Ate Vi sa mga nangyari eh. Maiinip ka lang dito."

"Ok lang naman ako eh. I want to make sure na ok ka. Baka need mo help ko, hindi ka pa masyadong malakas saka baka madapa ka kung saan."

"Hindi naman ako baby noh! Kaya ko na to."

"Para sa akin baby kita eh. Love, sige na. Dito lang ako, uupo lang ako dun sa sofa. Promise! Hindi ko kayo guguluhin ni Ate Vi. Behave lang ako please!"

"Hala. Anong nangyare sayo? Clingy much?"

"Eeeehhh...sige na please? Hindi na ako sanay na hindi kita makikita ng kahit ilang oras eh."

"Magkikita rin naman tayo mamyang dinner eh."

"Oh yun pala eh! Eh di dito na nga lang ako. Sayang sa gas pag umuwi pa ko. Hehehe!"

"Naku, ikaw talaga! Teka ipagpapaalam kita kay Ate Vi."

"Ate Vi, dito lang muna si Alden ha. Ayaw umuwi eh. Behave lang daw sya sa sala."

"Naku, oo naman! Ano ka ba, bakit ba nagpapaalam ka pa."

"Syempre naman po. Bahay nyo po ito eh."

"Ay oo naman, ok lang. Nabusog ba kayo sa tanghalian? Ikaw, iho? Nabusog ka ba? Naku buti hindi ka maselan ano? Buti't kinain mo ang luto ko. Si Frankie kasi dati ni hindi mo yun mapapasok sa loob ng bahay at hindi yun kumakain dito kahit anong pilit ko...ay sorry, sorry. Sorry Meng. Pagpasensyahan mo na ako ha. Excited lang talaga ako na andito ka na ulit."

"Ok lang po yun, Ate. Pero ito po si Alden ordinaryong tao lang din katulad ko. Hehehe. Pinakaimportante na kinakain nya din ang kinakain ko. Hahaha!"

"Ang saarap nyo nga po magluto, Ate Vi. Baka po mapadalas ako dito nyan."

"Naku!!! Oo naman! Dalasan mo! Mahilig akong magluto kaso wala namang masyadong kumakain kundi itong si Meng. Yung anak ko kasi sa abroad nagtatrabaho. Yung asawa ko naman umagahan lang ang kinakain nun tapos hindi naman yun umuuwi sa tanghali kaya si Meng lang at ako ang magkasamang nananghali. Dito na kayo lagi mananghali nang may kakwentuhan ako lagi."

"Ay sige po hindi ko po tatanggihan yan. Hindi na rin po kasi ako nakakakain ng lutong bahay pag andito ako sa Maynila eh."

Nagpatuloy pa ang kanilang kwentuhan hanggang napunta na sa mga nangyari kay Maine ang sentro ng usapan. Sinimulan ni Maine ang kwento sa pagdating ni Alden, hindi na nito kelangan pang ikwento ang nangyari noon pang simula High school siya dahil nasabi na niya ito dati. Sinimulan na lamang niya nang muli niyang makita ang binata nang ipakilala itong bagong manager sa hiwalay na departamento sa opisina na pinagtatrabahuhan niya. Nang mapunta na sa pagkidnap sa kanya ni Frankie ay tahimik na tumayo si Alden at nagpunta malapit sa pinto. Narinig na niya ang kwentong ito nang isang linggo siyang magbakasyon sa hometown ni Maine. Walang inilihim si Maine sa kanya, kahit ang pagtatangka ni Frankie sa kanyang pagkababae na hindi natuloy ay sinabi rin ni Maine. Nakonsensya man si Frankie ay hindi pa rin maiwasan ni Alden na hindi magpuyos ang damdamin sa nalaman nito. Hindi dahil sa pagtatangka ni Frankie kundi dahil hindi agad siya bumalik sa buhay ni Maine. Hindi niya lang sinasabi sa dalaga pero sa isang banda ng kanyang isip ay sinisisi ni Alden ang sarili sa nangyari sa pinakamamahal. Nang malayo na ang isip ni Alden ay bigla niyang naramdaman ang pag vibrate ng kanyang cellphone sa bulsa ng pantalon.

Unknown number.

Ikaw Ang Aking Mahal (Book2 AKNL) - ALDUB FanFicWhere stories live. Discover now