Chapter 7: Or So She Thought

262 14 1
                                    

Dalawang linggo na ang nakaraan nang mag out of town si Alden at Maine kasama ang kanilang mga kaibigan para sa birthday ni Bash. Pagkatapos noon ay balik trabaho na ulit sila. Tahimik ang mga buhay nila na ginagampanan ang bawat pagsubok sa araw-araw. 

Ang magkasintahan naman ay para pa ring nagliligawan sa araw-araw. Katulad ngayon...

"Oy, Maine!" si Bash. 
"Mmm?" sagot naman ni Maine.
"Sinagot mo na ba si Alden?"
"Huy ano ka ba Bash? magiisang taon na nga kami diba?", walang gatol na sabi ni Maine habang tumitipa sa kanyang keyboard at hindi nililingon ang kaibigan.

"Oh eh baket parang nanliligaw pa rin sya?" sabay halos ibagsak ni Bash ang isang boquet ng red roses at isang malaking bar ng chocolates sa harap ni Maine.

"Ay! Ano ka ba! Nagulat ako sayo. Wag mo kasi ibato, baka masira ang flowers."

"Tse!", si Bash.

"Ang sweet sweet ng MyLoves ko talaga." niyakap ni Maine ang boquet habang binuksan na ni Bash ang chocolate at pumiraso na doon.

"Teka nga! Bakit ang init ng ulo mo ha, Bashang?! Nag-away ba kayo ng jowa mo? At baket sa akin mo binubunton ang sama ng loob mo ha? Tingnan mo yang mukha mo, namamaga nang parang siopao na naovercooked!"

"Grabe ka naman saken, teh. Ang sama kasi ng loob ko kasi pork binagoongan ang ulam kanina sa bahay eh paborito ko yun. As in nakakaiyak kung may nakahaing ganun tapos hindi mo pwedeng kainin."

"Jusko Bashang! Akala ko kung ano! Eh di kumain ka sana!"

"Eh fasting ako eh! Waaahh! May appointment ako bukas papalaboratory ako..eh sabi wag daw akong kumain ngayon. Nakakainit pala ng ulo yun!"

"So hangry ka na? Oh eh baket isusubo mo yang chocolate? Akin na yan! Magpacheck up ka muna! Unahin mo health mo, pambihira. Hindi yang puro pagkain."

Biglang tumunog ang cellphone ni Maine na ang ibig sabihin  ay may bago syang text message.

Nanlaki pareho ang mata ng magkaibigan sabay imik ni Bash.

"Hala ka! ba't dala mo yang cellphone mo dito sa loob!"

"Eh hindi ko naman alam! Nakalimutan ko lang! Diyan ka muna! Pag hinanap ako ni Boss sabihin mo nag-wiwi break ako!"

Halos madapa-dapa na si Maine sa pagmamadaling lumabas ng work area nila. 

Bakit naman kasi...sinabi nang wag kukutingtingin ang cellphone ko! Tong si Alden...oh. Speaking of the de...my angel. Nagtext na...


Wala sa loob na parang kinakausap ni Maine ang sarili. 

Alden: My Loves, don't wait for me sa lunchtime ha. Out with the bosses. sabay na lang tayo pauwi. ako na lang pupunta sa work station mo. Love you! 

Maine slightly frowned at the thought na hindi sila sabay maglulunch ni Alden. She was actually looking forward to it since hindi na rin sila magkasama kahapon. Alden said he had to attend a meeting concerning his department at mandatory na sya ang umattend since sya ang Head. Maine didn't mind. She knew Alden is dedicated to his job as he is to her. Maybe even more pagdating sa kanya, of course. She knows so. But this sudden change of their routine is making her feel sad but she knew she didn't have to worry. Alden is the best boyfriend anyone could ever have. 

Dumiretso muna si Maine sa locker room to leave her phone sa kanyang locker at pagkatapos ay pumasok na syang muli sa work floor nila. She was walking ever so slowly na parang nawala ang lahat ng sustansya sa kanyang katawan. She came to realize n sobrang attached na nya kay Alden that his absence makes her weak. True enough, absence makes the heart grow fonder. 

She flops herself to her office swivel chair, looks at her watch, then sigh. "Nine hours", she thought, "this is going to be a very long shift". 

She's lost in mind and sadness and she didn't notice her colleagues talking in whispers. She suddenly felt tired with anything else pero naisip din nya na hindi naman sya pwedeng ganun na lang palagi kapag wala si Alden. She drew a deep breath and let out a small "whoo!" then faced her friends.

"O ano naman yang pinagchichismisan nyo ha?"

"May OIC na daw ang QA Department, naghire na sila kasi walang qualified sa internal eh."

"Ah talaga ba? anong nangyari sa Assistant Manager? si Sir Pol?"

"Eh nagresign din after maassign ng QA Manager sa London for training ng dalawang taon. Si Sir Pol kasi ikakasal na tapos susunod na rin sya sa Australia kasama ng bride-to-be nya. Eh si QA Manager---ano nga name ni Mam? yung mejo chubby pero cute?"

"Mam Coleen."

"Si Mam Coleen kasi magiging one of the Directors ata pag bumalik sya dito. So vacant talaga yung position."

"Wow. alam mo talaga lahat yang mga yan ha."

"Oo naman! eh diba nga kaklase ko nung high school yung isang staff sa QA, kaya nakabalita ako."

Well, at least there's something na napagtutuunan si Maine kahit alam nyang wala sa opisina si Alden. After all, magkikita din naman sila mamya. To be honest, this piece of information is getting her interested.

"So, kelan daw magsastart yung bagong OIC? Gwapo kaya?"

"Ayy type!" Biglang nagreact si Boj.

"To naman si Boj! Pag gwapo talaga, jan ka magaling!" 

"Ang tanong eh kung maganda. Girl daw eh."

"Aaaaaayyyy sayang." Si Boj ulit.

"Girl daw? Malupet ah. Saan daw company galing?" 

"Walang sinabi eh." 

"Sana friendly noh? Katulad ni Mam Coleen, laging nakangiti kahit kanino." 

"Ano palang nangyari dun sa tawag sayo? si Alden?"

"Oo. Wala daw sya ng lunch kasi kasama daw sya ng mga boss."

"AAyy sad." Si Boj na naman.

"Ikaw Bojie ha! Kanina ka pa puro ganyan."

"Sus! Mukhang sad ka nga."

"Hindi noh! Hindi lang ako sanay.  Sabay naman daw kami uuwi mamya."

"Wag ka mag-alala. Masasanay ka din." Pang-aasar ni Bash.

" Sira!" 

Maine knew she needs to shake it off. Magkikita naman sila mamaya ni Alden. This first in their relationship is making her realize na she shouldn't depend her happiness on Alden alone. She has her job, her friends, her family, and most especially herself. She shouldn't lose herself just because Alden is absent for a few hours. 

Hayy Menggay. Baliw ka sa pag-ibig!

And right there and then, she told herself na pupunan nya ang sarili pag wala si Alden. 

Alangan namang mukha kang timang lagi pag wala si Alden noh?!

So she smiled. Made a mental note to be positive all through out the day and never will let negativity eat her up. 

Malaki ka na Meng, jusko! Ngayon ka pa aarte eh sayo naman si Alden, wala namang aagaw dun!

Or so she thought.


_______________________________________

A.N.

SURPRISE!!!!! :D 

yes, im back! this chapter has been sitting on my drafts for quite some time. tinapos ko na sya today kasi another plot has been running through my mind all week! Iniisip ko nga kung wag ko na lang kayang ituloy tong book and jump to another book na lang. But that would not make me a responsible author diba? sorry po for even having that thought.

How are you guys? namiss ko po kayo! sana anjan pa yung mga ever so loyal readers na naging friends ko na dito. May yaya na ang 2 kids ko kaya may time na ako magsulat, YEHEY for yayas! 

Heads up lang. Mejo naubusan na ako ng tagalog so Taglish na sya. hahaha! Sana naman hindi mali mali....:D And i think this book is not gonna be as long as the first one. Since I want to start na rin with a new one. I hope I can do more updates as much as possible. 

Ok that's it! :) Follow me on Twitter: 

AlDub you all!

R.A.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw Ang Aking Mahal (Book2 AKNL) - ALDUB FanFicWhere stories live. Discover now