Chapter 5: The Compromise

995 33 6
                                    


Sabado noon at naisipan ng magkasintahang Den at Meng na magrelax na lang muna sa halip na mamasyal kung saan-saan. Unang linggo ni Meng sa trabaho at nagaadjust syang muli matapos ang mahabang pahinga dahilan ng kanyang pagkaka aksidente. Nahirapan siyang matulog nung unang dalawang araw dahil nagbago na ang kanyang body clock. Kung susumahin ay napagod sya ng husto nitong nagdaang mga araw sa trabaho. Kaya naman naisip nilang magpicnic na lang muna sa Sunken Garden ng UP Diliman kung saan nakatira malapit si Meng.

Kung ilalarawan ang araw na iyon ay sasabihin mong "perfect" para sa magkasintahang nagdedate. Alas kwatro na ng hapon at hindi na gaanong mainit ang dampi ng sikat ng araw sa balat. Malamig na rin ang hangin dahil isang linggo na lang ay Pasko na. May mga huni ng ibon kang maririnig at ingay ng mga batang naglalaro kasama ng kanilang mga magulang. Marami ding mga soccer teams na nageensayo sa malaking party ng Sunken Garden. Hindi na masyadong naririnig ang harurot ng mga jeepney sa may lugar ng dalawa, mas maingay pa nga ang mga eroplanong natatanaw nilang dumadaan.

Naglatag lamang sila ng banig para makaupo at makahiga sa may damuhan. Pero hindi ito katulad ng ibang picnic na may pagkain o katulad nung surprise ni Alden nang yayain nyang maging girlfriend si Meng. Hindi na sila nagdala ng pagkain dahil hassle pa atsaka marami din namang nagaalok ng pagkain sa paligid. Sa may labas ng Vinzon's Hall na malapit sa Sunken Garden ay may mga tindahan din kung saan may kwek-kwek, hotdog sandwich, at iba pang street food. Sa paligid ay may mga nagaalok din ng dirty ice cream, taho, at kung ano ano pa na hindi na alam ni Meng at Alden ang tawag.

Marahang hinahaplos at sinusuklay ng kamay ni Alden ang buhok ni Maine. Nakahiga ang binata habang inunan ang isang braso niya at si Maine naman ay ginawang unan ang tiyan ng binata habang nagbabasa ng blogs sa kanyang cellphone. Maya maya lang ay itinabi na rin ni Maine ang kanyang cellphone at marahang ipinikit ang kanyang mga mata. Wala sa kanila ang umiimik ng mga ilang minuto. Wari bagang ninanamnam ang malamyang ingay ng paligid dahil parang musika sa tenga ito kumpara sa karaniwang ingay ng lansangan na naririnig nila.

Dahil sa ambience ay dinala ng kanyang diwa si Alden sa hinaharap na kasama si Maine. Maliwanag sa kanyang isip ang mga larawang mag-asawa na sila ni Maine at masayang namumuhay na kasama ng mga anak nila.

"Love?"

"Hhmm?" Kunwa'y inaantok na sagot ni Maine.

"How many kids do you want?" Si Alden.

"Ha?!"

"Sabi ko ilang anak ang gusto mo?"

"Bakit mo tinatanong?"

"Wala. Kasi ako gusto ko mga apat."

"What?! Ang dami naman nun! Tandaan mo, hindi ikaw ang manganganak." Sa puntong ito ay medyo napataas na ang boses ni Maine.

"Galit ka ba? Hahaha! Naisip ko lang na masaya siguro kung apat kasi kami 3, kayo apat kayo. Hindi ba masaya na apat ang anak?"

"Masaya din pero hindi na uso ang apat sa panahon ngayon. Mahal na lahat! Sigurado ako mahal din ang diaper at gatas."

"OK lang yun! Mahal din naman kita eh."

"Corny mo!" Sabay hampas ng dalaga sa dibdib ng binata.

"Pero, Love. Ano nga? Dahil lang sa mahal na ang mga bilihin kaya ayaw mo ng apat?"

"Hindi sa ganun. Mahirap din kaya ang manganak! Yung Tita ko nakita ko kung pano nanganak eh, kasi nakiusyoso ako sa delivery room. Nakalimutang ilock nung mga doctor yung pinto tapos sumilip ako. Grabe! Ang hirap pala manganak! Kasi yung...yung...ahhmm...gusto mo ba ikwento ko talaga?"

"Wag na! Wag na!"

"Pero alam mo, Love, kung hindi dahil sa mga reason na binigay ko sayo, Ok saken ang tatlo. Pero ayoko namang magkaron ng middle child syndrome yung pangalawa. Hhmm...dalawa na lang. Teka? Bakit yan ang tanong mo? Hindi pa ko pwede ah. Bata pa ko."

Ikaw Ang Aking Mahal (Book2 AKNL) - ALDUB FanFicWhere stories live. Discover now