Part 9

291K 5.9K 221
                                    

"Parang gusto ko pang matulog." Naghikab at nag-inat ng kamay niya si Yolly.

"Wow, ikaw na ang bida. Sinabayan mo na ngang matulog si Andy sa klase tapos sasabihin mo pang gusto mo pang matulog? Tindi mo, ah. Kakahiya ka na talaga." Kulang na lang ay batukan na naman siya ni Cristine.

"Hindi ko naman sinasadya na makatulog ako. Pero bakit kasi hindi niyo ako ginising? Lalo na ikaw?" Sumimangot siya at napangalumbaba ng dalawang kamay.

Naroon sila sa canteen ng pinsan para kumain ng tanghalian at kanina ay nagulat na lang siya nang gisingin siya nito dahil tapos na ang subject nila.

"Nakakahiya naman kasi sa inyo ni Andy, ano? Baka puyat kayo," pasarkastikong sabi ni Cristine.

Napalabi lang siya sa pinsan.

"Pero bakit ba kasi parang antok na antok kayong dalawa, ah? Umamin ka nga sa 'kin. Anong ginawa niyo?"

Umaliwalas ang mukha niya. Naalala niya ang masaya nilang inuman ni Andy kagabi. Ngunit gustuhin man niyang ikuwento kay Cristine iyon, ay huwag na lang. Wala siyang tiwala sa pinsan kasi kapag tungkol sa mga sekreto. Madaldal ito, eh.

"May nangyari na kakaiba, 'no? Magkasama kayo ni Andy kagabi, 'no?"

"Oy, hindi, ah," kaila niya ngunit hindi niya naman napigilang mag-blush.

"Eh, bakit ka namumula?"

"Hangover nga, 'di ba?" palusot niya.

"Kaya nga, eh. Hangover ka at hangover din si Andy kaya nakapagtataka. Halatang-halata na magkasama kayo kagabi at nag-inuman."

Napangiwi siya. Ang lakas talaga ng kutob ng kanyang pinsan. Ang tindi!

"Hindi nga, eh. Ang kulit mo," pero tanggi niya pa rin. Hindi siya puwedeng umamin. No! No! No! No! No!

"Sure ka?"

"Oo nga."

"Eh, kanino ka nakipag-inuman kagabi, aber? At kailan ka pa natutong uminom ng alak?"

Doon siya natameme. "W-wala," pero napilitan pa rin niyang sagot. "Ako lang mag-isa. Sinubukan ko lang. Hindi ko naman alam na malalasing ako agad."

"Weh?"

"Bakit? Bawal bang uminom mag-isa?"

Si Cristine naman ang natahimik. Pero kung makatingin pa rin ito sa kanya ay wagas. Hindi pa rin kumbinsido ang gaga.

"Alam mo, kumain na lang tayo. Gutom na ako, eh." Napilitan niyang pag-ibaba ng topic. "Ikaw na ang mag-order kasi ikaw naman ang maglilibre sa akin."

"Anong gusto mo?" Maasim pa rin ang mukha at naniningkit ang mga mata ni Cristine. Hinuhuli talaga siya sa tingin.

Gusto na niyang matawa pero todo-pigil siya. Oras na madulas ang dila niya sa pinsan ay siguradong katapusan na naman niya. Kapag nalaman ng lahat na kasama niya si Andy ay siguradong ibu-bully na naman siya ng mga kapwa nila estudyante.

"Kahit ano," aniya na iwas na iwas ang mata sa pinsan.

"Tingnan mo, hindi ka makatingin sa akin ng diretso. Guilty ka," tudyo sa kanya ng pinsan. Dinuro siya nito sa mata.

"Hindi nga. Sige na, um-order ka na," natatawang pagtataboy niya rito. Itinulak na niya ito. Muntik pang mahulog sa kinauupuan si Cristine.

"Ikaw may nililihim ka na sa 'kin, ha? Parang hindi na tayo magpinsan kapag ganyan," pangongonsensya pa ni Cristine bago tinungo ang counter. Ang kulit talaga.

Naiiling at natatawa siyang naiwanan sa table nila. Pero anong pamumutla naman ng kanyang mukha nang mahagip ng tingin niya ang papasok sa canteen na mga binata, pinangungunahan ni Andy.

Agad na nagtama ang kanilang mga mata. Yay!

Syempre una siyang nag-iwas. Kunwa'y naging busy siya sa pagbulatlat ng kanyang bag. Pero anong gulat niya nang parang may bumagsak na kung ano sa lamesa. At pag-angat ng tingin niya ay may isang bote na ng GATORADE ang nakita niya roon.

Maang na napatingin siya kay Andy, ngunit dedma naman ang binata sa kanya. Tuloy-tuloy lang ito kasama ang mga barkada nito sa pagpasok at pagkuwa'y nagsiupuan sa sulok ng canteen.

Nakakunot ang noo niya na kinuha ang Gatorade. Bigay ni Andy? Pero bakit kaya? Para saan?

Alanganing napalingon siya sa binatang guwapo. Ang kaso ay naharangan na ito ng mga barkada nito.

"Ano 'yan?" puna ni Cristine sa gatorade na hawak niya pagbalik ng pinsan sa inukopa nilang lamesa.

"B-binili ko. Hindi mo ako nakita?" sagot niya. Another kasinungalan na naman. Sana'y hindi humaba ang kanyang ilong.

"Saan? Eh, wala naman ganyan dito sa canteen, eh."

"W-wala ba?" Napangiwi siyang tumingin sa glass door refrigerator ng canteen. "Ah, oo, binili ko pala kanina sa grocery. Nandito sa bag ko kanina kaya hindi mo nakita," saka palusot niya ulit. Sana umubra.

Naguguluhan na talaga si Cristine sa kanya na umupo. Paisa-isang inilapag ang binili nitong kakainin nila habang malisyosong nakatitig sa kanya.

"Sige na inumin mo na para maibsan konti ang hangover mo," mayamaya ay sabi nito. Titirik-tirik pa rin ang mga mata.

"Huh?" maang niyang naisambit.

"Binili mo 'yan para sa hangover mo, 'di ba?"

Napatanga siya sa bote ng gatorade. Kung gano'n ay binigyan siya ni Andy ng pangtanggal hangover?

Hindi niya ulit napigilan ang sariling lingunin ang binata, na nakatingin na rin pala sa kanya dahil wala na ang barkada nitong nakatabing kanina.

Kinunutan niya ito ng noo? Sa walang boses ay sinabi niyang, "Ano 'to?!"

Simpleng tango lang ang binata sa kanya na para ring sinabing, "Come on, drink it!"

Nilabian niya ito, yet deep down, a subtle thrill tingled within her. Kinilig siya kahit ayaw niya at hindi naman dapat.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon