Part 53

197K 3.4K 135
                                    

"Oh, nasaan na si Yolly? Male-late na ako sa appointment ko," tanong ni Madam Angie sa anak sabay tingin na naman nito sa mamahaling relo sa bisig.

Kamot-batok naman si Andy. Hindi niya kasi makita talaga si Yolly sa bahay. "Umalis pala siya, Mom. Saka mo na lang siya isama."

Napabuntong-hininga si Madam Angie. "Okay, sige sabihin mo na lang na dumaan ako rito, ha?"

"Yes, Mom. Thanks."

Iika-ika pa rin si Andy na inihatid sa labas ang mommy niya. At nang hindi na niya matanawan ang kotse ng ina ay saka siya nakaramdam ng pag-alala.

Nasa'n na kaya si Yolly? Kasalanan niya ito, eh. Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya at nagawa niya 'yon? Muntik pang nabasag tuloy ang kinabukasan niya. Damn.

SA BAHAY NINA CRISTINE.

"Bastos 'yon, eh!" Inis na inis pa rin si Yolly kay Andy. Kina Cristine siya pumunta at ang pinsan niya ngayon ang kausap niya. Niyaya niya itong magmiryenda sa sari-sari store ng soft drink at sitserya.

"Ano ba kasing ginawa sa 'yo, ha?"

Ang problema ay hindi niya naman masagot si Cristine dahil nakakahiya na sabihin niyang ninakawan siya ni Andy ng halik at 'yong nakita niya na ano... 'yung ano... 'yung kinawawa 'yong unan.

"Ah, basta bastos siya!"

"Bakit? Pinilit ka na ba niya? Nag-s*x na kayo?" tukso ni Cristine sa kanya. May pilyang ngiti na sinundot siya sa tagiliran.

Lumaki ang mga mata niya na pinalo bahagya ang likod ng balikat ng pinsan. "Sinasabi mo?"

"Para magkatotoo na mabuntis ka na kako?"

"'Yang bunganga mo nga!"

"Bakit ayaw mo ba?"

Parang lalo siyang namoblema. "Puwede ba, Insan, huwag mo akong tinatanong ng mga ganyan kasi pinag-iisipan ko nga kung paano sabihin sa kanya na hindi ako buntis, eh."

"Ibig mong sabihin sasabihin mo talaga?"

"Oo naman."

"Sayang naman." Biglang nalungkot si Cristine. Humaba ang nguso nito.

"Bakit naman sayang? Hindi ba sabi mo dapat kong aminin ang totoo?"

"Oo, pero kasi napag-isip-isip ko na na sayang si Andy pala. Matinong lalaki iyon, eh. Sayang kung pakakawalan mo siya. Hindi ka na makakahanap ng katulad niyang asawa kung sakali. Guwapo, mayaman, mabait. Saan ka pa?"

Hindi siya nakaimik. Napaisip din siya.

Nang biglang bungad ang nanay niya.

"Nandito ka pala? Sino'ng kasama ni Andy sa bahay?"

"Okay lang 'yon, 'Nay."

"Halika ka na umuwi na tayo. Nakakahiya sa tao. Iniwan mo ro'n mag-isa, eh, bisita 'yon."

"Mauna ka na po, 'Nay. Nagkukwentuhan pa kami ni Cristine, eh."

"Pero paano naman doon si Andy?"

"Sige na, Tita. Ihahatid ko na lang si Yolly mamaya," sabad ni Cristine.

"Oh, siya, pero kapag natapos kayong mag-usap umuwi ka na agad, Yolly. Alalahanin mo. Hindi ka na dalaga."

Umasim ang mukha niya sa huling sinabi ng nanay niya. "Sige po, 'Nay," pero sagot na lamang niya na upang hindi na humaba ang usapan.

Nagkatinginan at nagkibit-balikat naman silang mag-pinsan nang iniwan na sila ni Aling Yolanda.

Kwentuhan ulit sila. In-open na lahat nila ang mga problema nila.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon