Last Part

448K 8K 2.8K
                                    

May galit na tinabig ni Andy ang bike na sinakyan ni Yolly. Aalma sana ang magbabalut dahil bike nito iyon pero kasi ay mabilis ang naging kilos ni Karen. Inabutan ng dalaga ito ng makakapal na tig-isang libong pera ang magbabalut. Nagningning ang mga mata ng magbabalut, palibhasa ay noon lang nakakita ng ganoon kakapal na pera.

"Sobra-sobra na 'yan na pambili mo ng bago mong bike, Kuya," nakangiting saad ni Karen. Kinindatan din niya ang magbabalut.

Ngumiti na rin ang magbabalut. Tuwang-tuwa na kinuha ang pera at excited n binilang dahil ngayon lang ito nakahawak ng ganoong kadaming pera. 'Yung bike naman nito ay luma na kaya para rito ay sobra-sobra na ang binigay na pera ng dalaga.

Sinenyasan ito ni Karen na manahimik na at manood na lang kina Andy at Yolly.

"Mag-usap tayo, Yolly," sa wakas ay mahina ngunit madiin nang basag ni Andy sa katahimikang namamagitan sa kanila ni Yolly.

Ngunit si Yolly, parang nalulon na niya ang kanyang dila dahil hindi pa rin niya magawang magsalita. Nakatitig lang siya kay Andy.

"Pero wait lang..." Okay na sana ang lahat nang bigla kasi ay nakaramdam ng suka si Andy. Tumagilid siya ng tayo, yumuko at nagduwal. "Waaaakkkk!"

"Tss!" Napangiwi si Karen na audience nila at natawa naman ang magbabalut.

"Alak pa more," sambit pa ni Karen na naiiling. Nabitin sila sa panonood, eh. Alak nga naman, wala talaga maidudulot na maganda sa tao.

Kanina ay na-realize ni Karen na si Andy at Yolly nga ang para sa isa't isa kaya nagpaubaya na siya at ngayon ay medyo kinikilig na rin siya para sa dalawa. At subukan lang nilang hindi ayusin ang relasyon nila ngayon dahil pag-uuntugin niya silang dalawa.

Habang si Yolly ay umasim naman ang mukha na napangiwi rin at napahimas ng batok. Ano ba 'yan?!

"Yolly, sorry. Sorry talaga. Napadami kasi ang inom ko, eh. Stag party ni Patrick kanina kaya napasabak ako sa inuman," bago ang take two ay paliwanag muna ni Andy sabay punas ng bibig.

Napabuntong-hininga at dismayadong napailing lang si Yolly.

"So, puwede na ba tayong mag-usap?" pagkaraan ay seryosong pakiusap ulit ng binata. Take two na dahil medyo guminhawa na ang pakiramdam niya at nawala na ang pagkabangag niya nang sumuka siya.

"Paano tayo mag-uusap? Lasing ka?"

Maraming iling ang ginawa ni Andy at nagpanatang makabayan. "No. Uhm... Yes. Oo lasing pala ako pero... pero, Yolly, matino pa rin ang isip ko promise. Alam ko pa rin lahat ang sasabihin ko. Maniwala ka."

Nalito si Yolly. Nakusot ang mukha niya.

Humakbang si Andy palapit sa dalaga pero umurong si Yolly. Para ba'y takot sa kanya ang dalaga.

"Andy, huwag kang lalapit."

"Bakit?"

"Basta! Diyan ka lang!"

"Bakit nga? Natatakot ka ba sa 'kin?"

Ang lalalim ng naging buntong-hininga ni Yolly. Kumikinig din ang mga labi niya, nanlalamig ang mga palad niya, at nangingilid ang kanyang mga luha. Ewan niya. Hindi niya alam ang saktong nararamdaman niya.

"Yolly, bakit ba ayaw mong maayos natin 'to? Hindi ka ba napapagod? Pinapahirapan mo lang ang sitwasyon natin, eh. Ikaw lang ang nag-iinarte, eh. Okay naman tayo. Ano bang problema mo?" lumamlam ang mga matang wika ni Andy.

Humugot muna ng malalim na buntong-hininga si Yolly. Ang mga luha niya'y kusa na iyong mga kumawala. "Andy, tama na kasi. Tigilan na natin 'to. Hindi mo ba nakikita? Hindi tayo ang para sa isa't isa. Ang tagal na, 'di ba? Ang tagal na ng istorya natin pero heto pa rin tayo. Kumplikado pa rin. Walang pagbabago. Ang gulo-gulo pa rin."

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon