Part 84

233K 3.9K 139
                                    

"Singsing ni Yolly 'to, ah?" Gulat na gulat si Madam Angie nang ipakita ni Andy rito ang bagay na nawala sa isip nila. "Where did you get it?"

"Sa parking, Mom. Ibinato sa 'kin ng pulubi. Siguro napulot niya kasi do'n din banda 'yung nabangga ko noon si Yolly. Baka nabitawan noon ni Yolly," sagot ni Andy sa ina. Naka-cross arms at cross legs siyang nakaupo sa couch sa opisina ng mommy niya.

"Ay, Diyos ko. Wala man lang nakaalala sa 'tin nitong singsing. Buti na lang at naibalik sa 'yo. Salamat sa pulubi na iyon. Dapat binigyan mo ng reward, Son."

"Tumakbo na, eh."

"Gano'n ba." Nalungkot si Madam Angie. Madamdaming tinitigan na nito ang singsing. "Nasa'n na kaya si Yolly? Sigurado, tuwang-tuwa sana siya kapag nakita niya ito ngayon."

Nalungkot din si Andy. His eyes had the silence of pain, of torment... and anguish.

Tama nga talaga ang kasabihan na saka mo lang mari-realize ang kahalagan ng isang tao kapag wala na ito sa piling mo. Kung malalaman lang sana ni Yolly ngayon na siya na ulit si Andy, ang guwapo pero hindi g*gong Andy. Ang hindi na high blood na Andy, ay siguro masaya na silang dalawa ngayon.

"Don't worry, Mom. Oras na makita ko siya ulit ay hindi ko na siya pakakawalan pa. Yayayain ko na siyang magpakasal gamit ang singsing na 'yan."

Inirapan siya ni Madam Angie. "Sana kasi noon pa."

Nahiyang nag-iwas siya ng tingin sa inas. Kung puwede nga lang ibalik ang nakaraan, ginawa na niya, dahil kapag naiisip niya ang ginawa niyang pagpapahirap kay Yolly noon ay parang gusto niyang sakalin ang sarili. Ang sama niya sa babaeng mahal na mahal niya. Para siyang tanga pala noon. Isang malaking baliw. Pero wala na siyang magagawa, nangyari na 'yon. Ang magagawa na lang niya ay itama lahat iyon kapag muling magkurus ang landas nila ni Yolly.

Ilang sandali pa ay lulan na silang mag-ina ng sasakyan niya na nagpalibot-libot sa buong kamaynilaan. Ginalugad nila ang buong lugar na alam nila. Hinanap ulit nila si Yolly at pati na rin si Leandro dahil baka kapag makita nila si Leandro ay makikita rin nila si Yolly. Nga lang ay huwag lang sanang mangyari talaga na makikita niya ang dalawa na magkasama dahil makakapatay talaga siya ng tao. Swear!

Paminsan-minsan ay nakikibalita rin sila kay Aling Yolanda sa pamamagitan ng tawag. Ginagalugad naman daw ni Aling Yolanda ang lahat ng kamag-anak nila sa mga probinsya para mahanap si Yolly. At sa mga pulis din, minsan tumatawag din si Madam Angie sa mga tumutulong sa kanila na mga pulis.

Subalit hanggang mapagod sila ay ni anino ay walang Yolly silang nakita.

"Don't worry, Son, may bukas pa. At pangako hindi tayo titigil hangga't hindi natin siya mahahanap." Tinapik siya ng mommy niya sa balikat nang mapakiusapan siya nitong umuwi na sila.

"Sana lang talaga ay nasa ligtas siyang lugar, Mom. Sana kumakain siya ng tama," puno ng pag-alalang wika niya.

Hindi nakasagot si Madam Angie, pero sana nga.

Pagdating nila sa bahay ay sinalubong agad sila ni Yaya Chadeng at ni Cindy na bumisita sa kaniya no'ng gabi na iyon.

"How's the search for Yolly?" tanong ni Cindy sa kanya nang nasa balcony sila bago nito sabihin ang totoong sadya.

Nagkibit-balikat si Andy. May tinutungga na naman siyang wine. Actually, kapansin-pansin na ang pangangayayat niya dahil sa laging wala siyang gana.

Tumikwas ang mga kilay ni Cindy na humalukipkip. Ganoon pa rin ang ugali nito kapag si Yolly ang pinag-uusapan. "Kung sana kasi ako na lang. 'Di sana hindi kayo nagkakabaliw-baliw sa paghahanap sa babaeng 'yon. Ang arte. May nalalaman pang paglayo. Akala yata ay nasa telenovela siya. Tss."

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon