[ 32 ] Our Date

2K 82 8
                                    

Jung Kook's POV

Hindi ko alam kung bakit pa kasi kailangan niyang pumunta dun sa China eh meron namang group chat sa facebook para pag usapan yung meeting na yan, diba?


Ayoko naman kasi mahiwalay dito kay Sachi kasi baka mawala na siya sakin. Joke, joke lang! Ayokong mangyari yun! Mababaliw ako. Baliw na nga ako sakanya, mababaliw pa ko lalo.


Sinabihan ko na sila hyung na wag kaming istorbohin ni Sachi kasi huehuehuehue yieeeee masosolo ko siya ngayong araw!


Pero syempre, behave lang ako. Gusto ko lang gumawa ng memories with my baby. Gusto ko lang siyang solohin today. Mamimiss ko kasi siya, syempre.



"San ba kasi tayo pupunta? Kainis naman eh. Hindi ko tuloy alam isusuot ko." sabi ni Sachi sakin. Ang cute niya kapag nag p-pout siya. Ang sarap i-kiss! Huehuehue.



Maintain Jung Kook, maintain.




"Eh basta mag damit ka ng pinaka maganda! Pero dapat dress ha?" sabi ko. Sana naman magustuhan niya yung surprise ko sakanya.




Pumasok na ulit siya sa kwarto at nag palit ulit ng damit. Kanina pa kasi ako tahimik at di ko sinasabi sakanya kung san kami pupunta. Basta sabi ko lang, aalis kami. Yun lang.




"Hoy eto, okay na?" sabi naman niya at nung nakita ko siya.....




OH MY GOD ok sorry ang bakla ko na pero shit, ang ganda ng asawa ko. Di talaga ako magsisisi na siya pinakasalan ko.




Pero oo, oo na, oo na sige na, mali na yung attitude na pinakita ko noon. Sorry na. Ewan ko ba, ang laki kasi ng galit ko kay Sachi noon. Pero kalimutan na natin yun. Naaawa lang ako sakanya kapag naaalala ko yung mga panahon na lagi ko siyang sinusungitan, lagi kong pinag t-tripan, lagi kong inaasar.... at lagi kong nasasaktan ang damdamin niya.




Ang gago ko talaga noon. Pero dibale na, mahalaga is yung ngayon. Ngayon na mahal na mahal ko siya, wala ng makakasira ng nararamdaman ko para sakanya.




"Hoy!" sigaw niya sakin, "Nakikinig ka ba? Kanina pa ko nag sasalita kung okay lang ba tong suot ko ngayon. Ano ba Jung Kook, humithit ka ba?" dugtong niya.




"Ay hehe sorry na, ang ganda mo kasi eh. Hindi ko maiwasan na matulala kapag nakikita ka." at nakita ko naman siyang namula.




"Ay ewan ko sayo! Eto tissue oh, tumutulo na laway mo." sabay abot niya sakin ng tissue. Nakakahiya tuloy! Tumutulo na pala laway ko, di ko man lang alam.




Sinundan ko siya habang pasakay ma siya ng kotse. Hindi ko na siya napag buksan ng pinto dahil nakapasok na siya nung malapit na ko sa sasakyan namin. Sayang, dagdag pogi points sana yun.



Sumakay na ako at tinignan ko siya ulit, naka-headset siya tapos nakapikit. Mukhang may balak matulog.



"Are you going to sleep?" tanong ko sakanya at tumango na lang siya na medyo naiinis. Hay, wrong timing ata yung date namin kasi beastmode siya.



"Baby..."sabi ko, sabay hawak ng kamay niya. "Are you mad?"



"Hindi ako galit. Nainis lang ako ng konti, but I'm fine naman na. Sige na, alis na tayo. Mukhang malayo layo yung pupuntahan natin eh." sagot naman niya.



Oo, tama siya, malayo nga yung pupuntahan namin kung saan walang pwedeng maka-istorbo samin. Mahirap na, baka makita lang ako ng mga fans ko, baka masira na date namin ngayong araw kaya naisip ko na sa malayong lugar siya dalhin.



[BANGTAN BOYS] MARRIED TO BTS' JUNG KOOKWhere stories live. Discover now