[ 20 ] I dare you

8.7K 288 113
                                    

Hindi talaga ako makapaniwala na siya talaga yung nag back hug sakin. Bakit kailangan pa? Paano kung mahuli kami dito, ano na lang sasabihin sakin? kesyo malandi, may asawa na pumapatol pa sa iba. Ayokong masabihan ng ganyan, parang hindi ko kakayanin kasi wala naman akong kasalanan.





"B-bakit?" tanong ko kasi hindi niya parin ako pinakakawalan mula sa mahigpit niyang yakap. Pilit ko man kumawala, pero malakas siya kaya hindi ko talaga kaya.






"Just a minute," he whispered. Ayoko ng ganito! Ayoko na maabutan pa kami ng asawa ko na ganito ang sitwasyon. Galit na nga siya sakin, baka mas lalong magalit pa sakin 'yun.




Nakarinig na lang kami ng isang napakalakas na bukas ng pintuan. Lord, this can't be!!



"Ganito pala ginagawa niyo sakin kapag nakatalikod ako." Sinabi ko na nga ba na magagalit siya. Bakit ba kasi nalagay ako sa ganitong sitwasyon? Ayoko talaga ng ganito! Konti na lang, maiiyak na ako.


Bigla naman akong pinakawalan ni V mula sa mahigpit niyang yakap at bumulong. "Good night, Sachi" hahalikan niya sana ako sa pisngi pero natigilan siya ng itulak siya ni Jung Kook.



Tinititigan ko silang dalawa at alam kong may tensyon na nabubuo.





"Ayokong saktan ka, pero pinipilit mo 'ko. Pasensya na pero may asawa na siya at kahit kelan hindi ikaw ang papalit sa pwesto ko. Tandaan mo!" Sabi niya kay V na tonong naiirita. Pero nakuha niya paring ngimisi. Hinila niya ako at inakbayan. Ngayon naman tinitignan ko si V na nakangisi rin.




"Tignan lang natin kung magtatagal kayo. Pero kung ako sa 'yo Jung Kook, ipagdadasal ko na hindi siya mawawala sa 'yo kasi sa oras na mangyari 'yun, ibig sabihin nagtagumpay ako." At tsaka siya umalis.



Ngayon naman naiwan kaming dalawa dito. Nagiinit ako sa sobrang inis ko sa sarili ko. Alam kong away nanaman 'to.



Binitawan niya ako sa pagka-akbay niya sakin at pumasok sa banyo pero agad din itong lumabas.




Naghilamos lang pala siya. Siguro isa 'yan sa paraan niya para kumalma. Sa totoo lang hindi ko naman talaga ginusto 'yun, eh. Hindi ako nagpapa-akit sa iba kasi pinaghirapan ko 'tong relasyon namin. Pinagsikapan kong tiisin lahat ng mga masasamang sinasabi saakin ni Jung Kook noon pero ngayon na nagiging okay na kami, saka naman iyon nasisira ng unti unti.




Siguro ganito talaga, ano? Ganito talaga kapag pumapasok ka sa isang relasyon. Susubukin talaga kung gaano katibay ang relasyon niyo pero sa sitwasyon namin, hindi parin matibay eh. Kahit na i-mighty bond ko pa siya para mas tumibay, mas makapit, hindi parin e-epekto.



Ganun talaga. Minsan nakakasawa na rin ipaglaban ang kung ano man ang pinahahalagahan mo. Pero ako si Sachi eh, hindi ako basta bastang susuko kung alam kong tama ang pinaglalaban ko.




Alam ko namang mahal niya ako pero hindi niya lang ma-amin sa sarili niya 'yun noon. Pero sabi nga niya, susubukan niya akong mahalin. Siguro ito na yung panahon na nasubukan niya na akong mahalin, na nag tagumpay siya sa gusto niyang gawin pero ngayon may sumisira eh.




Hindi talaga maiiwan sa isang love story ang mga gustong sumubok o manunubok na sirain ang relasyon na pinahahalagahan ninyo.





"Kanina pa kita kinakausap! Bakit nakatulala ka diyan?" Natauhan ako nung nag snap siya ng fingers sa mukha ko at nagsalita.




"A-ay sorry. Ano ba yung sinasabi mo?" Iniwas ko yung mga tingin ko sakanya kasi ano eh, iba siya makatingin. Alam kong pinipigilan niya lang magalit sakin, alam kong pinipilit niyang ayusin ang relasyon namin pero kahit ano mang gawin niya, nakikita ko parin ang galit, mga tanong at pagmamahal sa mga mata niya.



[BANGTAN BOYS] MARRIED TO BTS' JUNG KOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon