[ 26 ] Misunderstanding

5.4K 254 36
                                    

Third Person's POV




Sandaling nakatulog si Jung Kook sa tabi ni Sachi habang siya naman ay tinititigan ang asawa niya.




'I do really love you, yeobo..' naiisip niya saka niya ito hinalikan sa pisngi. Naisipan niyang lumabas muna para bumili ng drinks para sa asawa niya at syempre sakanya na rin.




Kinuha niya kaagad yung jacket niya at saka niya ito isinuot pero bago pa man siya lumabas ng pinto, nagsulat muna siya sa sticky note at nung matapos na siyang magsulat saka niya ito dinikit sa noo ng asawa niya.




Alam kong hahanapin mo nanaman ako kaya nagsulat na lang ako dito. Bibili lang ako ng drinks kaya 'wag ka mag alala, kaya ko naman sarili ko. Tsaka kung i-isipin mo, gawain mong mag iwan ng sticky note sa noo ko noon kaya ngayon ako naman. Hihi. Love you!

- Sachi



* * *



Nang makalabas na si Sachi sa dorm nila, bigla siyang kinabahan kaya naman todo tago siya sa mukha niya dahil ayaw na niyang maulit yung nangyari sakanya.



Tagong tago na yung mukha niya kaya pinagtitunginan tuloy siya. Yumuko na lang siya at tsaka nag lakad ng dire-ditesyo na hindi nalalaman kung saan na ba ang dinadaanan niya.





"Ouch!" sigaw nung isang babae ng mabunggo siya ni Sachi. Nag bow lang ito at maglalakad na sana ng hilahin siya sa braso.





"Sino ka ba?" sigaw niya dito pero nag sorry lang si Sachi tapos nag bow ulit. Pero unti unting nag sync in kay Sachi ang boses na 'yun.



"Micah.." mahinang sabi niya tapos inangat niya yung mukha niya. Nagulat si Micah dahil hindi niya inaakala na si Sachi pala yung nakabunggo sakanya.




"Ikaw nanaman! What's your name ba para matandaan ko?" tanong niya dito kay Sachi habang naka pamewang. Hindi natin maikakaila na maarte talaga si Micah at maarte magsalita pero once na makilala mo siya ng lubos lubusan, napaka bait nito.



"Sachi" pabulong niyang sabi tapos binulungan. "Pwede ba kitang makausap yung tayo lang?" dugtong ni Sachi kaya naman natulak siya ng wala sa oras ni Micah.




"Dear, 'di porket tinanong ko ang name mo close na tayo. Du---" naputol ang sinasabi ni Micah ng may sumigaw mula sa likod niya.



"Micah!!" boses ng isang lalaki. Narinig kasi ng lalaki lahat ng pinag u-usapan nung kapatid niya at si Sachi.



Nanlaki ang mga mata ni Sachi nung makita niya ulit yung lalaki. Agad namang pumunta yung lalaki sa tabi ni Micah. "Micah, matuto kang rumespeto" sita nito kay Micah kaya naman napa-pout na lang si Micah ng wala sa oras.






"D-diba ikaw yung.." hindi na niya pinatapos si Sachi dahil agad itong sumagot.



"Oo. Anong kailangan mo?" sabi ng lalaki sakanya. Tinitignan lang sila ni Micah hanggang sa mapikon ito kaya naman lumayo na lang siya kela Sachi kaya naman naiwan lang silang dalawa.





"May itatanong lang." sabi ni Sachi tapos inalalayan siya nung lalaki para makaupo sa isa sa mga upuan.




"Anong itatanong mo? kung ginalaw ba kita nung araw na niligtas kita, ganun ba?" sabi kaagad ng lalaki sakanya kaya naman mas lalong lumaki ang mga mata ni Sachi kasi alam niya kaagad yung itatanong sakanya.





[BANGTAN BOYS] MARRIED TO BTS' JUNG KOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon