[ 23 ] Lost

7.1K 282 71
                                    

"May pupuntahan lang ako saglit lang talaga 'to babe, promise. Babalik ako kaagad pag natapos ko na yung gagawin ko." pagpapaalam ni Jung Kook sa asawa niya dahil inutusan siya ng manager nila na asikasuhin yung mga kanta para sa panibago nilang album. Isa kasi si Jung Kook sa pinaka masipag sakanila. Hindi ito basta bastang sumusuko sa ginagawa niya kung alam niyang hindi pa ito ganun kaganda.





"Promise 'yan ha? Hihintayin kita," sagot ni Sachi habang nilagyan niya ng cap yung asawa niya sa ulo. Pang disguise na rin 'yun para hindi siya masyadong mapansin ng fans nila. Hinalikan niya ito tapos nagpaalam na din. "Mag i-ingat ka. I love you~"




"I love you more, baby. Ikaw din mag ingat ka. Bye" matapos 'yun ay bigla siyang kinulong ni Sachi sa isang napaka higpit na yakap.





"Hayy. Mamimiss kita ng sobra niyan eh," sabi sakanya ni Jung Kook at hinarap niya si Sachi sakanya at hinawakan ang mukha. "Babalik naman ako kaagad pag natapos ko 'yun. Promise!" dagdag nito.





Hinalikan niya ito sa labi at nagpaalam na. Mas gusto niya kasing umalis kaagad para matapos siya sa gagawin niya ng mabilisan kesa sa mamaya pa at baka matagalan siya. Nang makarating si Jung Kook sa entertainment nila ginawa niya na kaagad ang gagawin niya.



Naiwan si Sachi sa dorm nila at napagpasyahan nito na mag mall tutal ang boring naman daw. Nagpalit siya kaagad ng damit niya at lumabas ng dorm. Nakasalubong niya si Taehyung na kasama si Suga. "Chi, san punta mo?" tanong kaagad sakanya ni Suga nung makasalubong niya.



Hindi siya kaagad nakasagot kasi nagtagpo ang mga mata nila ni Taehyung. Nakikita ni Taehyung sa mga mata ni Sachi ang naghahalong galit at awa sakanya. Although ayaw niyang guluhin ang relasyon ni Sachi at Jung Kook pero gusto niya lang ipaglaban ang pagmamahal niya sa dalaga.



"Ah, eh, mag mmall po." sagot niya kay Suga tapos ngumiti.



"Sama ako!" prisinta kaagad ni Taehyung sakanya. Umiling lang si Sachi at nginitian 'to.



"Wag na po. Baka makita tayo ng fans niyo tsaka delikado kasi baka ano pa isipin nila." aalis na sana siya tapos bigla siyang hinawakan ni Taehyung sa kamay.



"Eh pano ka? Pag may nangyaring masama sa 'yo, hindi ko mapapatawad sarili ko." hindi man nagustuhan ni Suga yung sinabi ni Taehyung kay Sachi pero sumang-ayon na lang 'to. Alam niya kasi na may gusto siya kay Sachi pero may asawa na kasi ito kaya mali padin na ganun kung umasta si Taehyung.



"Oo nga naman, Chi. Ganito na lang 'wag ka na lang umalis para safe ka." sabi ni Suga.



"Aish. Oppa, wala namang mangyayaring masama sakin." ayaw parin pumayag ni Suga at Taehyung na paalisin si Sachi dahil kasi noon muntik muntikan na siyang ma-kidnap pero buti na lang nailigtas siya ni Jung Kook.



"Hindi ka aalis hangga't di mo ko kasama." matigas na sabi Taehyung at mabilis na pumasok sa dorm nila at nagsuot ng disguise tapos hinila si Sachi at tsaka sila umalis. Hahabulin sana sila ni Suga kaso mabilis silang nawala.



***



"Guys! Patay ako kay Kookie neto." sigaw kaagad ni Suga pagka pasok niya sa dorm.



"Bakit naman?" walang ganang tanong ni Jin kay Suga.



"Lumabas si Taehyung kasama si Sachi. Eh diba binilinan niya tayo na i-iwas natin si Sachi kay V?" nanginginig na sabi ni Suga tapos nilagay niya ang kamay niya sa mukha niya at sinusubukan niyang pa-kalmahin sarili niya.





[BANGTAN BOYS] MARRIED TO BTS' JUNG KOOKWhere stories live. Discover now