[ 33 ] See you soon

3.6K 86 45
                                    

WARNING: KUNG HINDI KA OPEN MINDED, YOU MAY GO! :)

* * *

Sobrang saya ko ng pumayag si Sachi na pakasalanan ulit ako. Akala ko kasi talaga nung una, ayaw niya. Pumasok tuloy bigla sa utak ko na hindi na niya ako mahal, pero mali pala ako.

Mahal na mahal niya nga talaga ako, at syempre ganun din ako sakanya.


Pinagmamasdan ko lang siya ngayon habang natutulog sa balikat ko. Siguro napagod din siya kanina sa byahe.

"I'll miss you." bulong ko sakanya kaya naman nagising siya.

"Hey, good morning!" bati ko naman sakanya at agad siyang ngumiti. Ang ganda talaga ni Sachi. Sobrang swerte ko talaga sakanya.

Buti na lang si Taehyung hyung hindi na kami ginugulo ni Sachi. Kasi diba noon, nag suntukan pa kami dahil kay Sachi. Hindi ko maintindihan kung bakit iisang babae pa talaga nagustuhan naming dalawa.

Buti na lang ako ang mahal ni Sachi. Buti na lang talaga. I can't afford to see Sachi with Taehyung hyung. Hindi ko kakayanin siguro.

"Anong iniisip mo yeobo? Tapos na ko mag toothbrush, nakatunganga ka padin diyan." Grabe ganun na ba ako katagal na nakatunganga at talagang nakapag toothbrush na siya eh parang kanina lang kakagising niya lang ah?

Niyaya ko siyang kumain kasi sayang naman kung hindi namin agad makakain yung niluto kong breakfast.

Hindi din naman nag tagal at natapos din kaming kumain. Pinaligo ko na siya, at ganun din naman ako.

Sabay kaming naligo, kaso hindi iisang banyo. Sayang diba?

Kidding. I respect my wife, so much. Hindi pa siya siguro handa sa ganung bagay. Pero ako, handang handa na. Joke.

At dahil nag leave ako ng isang araw, dito lang kami ni Sachi sa bahay namin. Wala akong plano na lumabas kasi kung lalabas pa kami at doon mag sspend time kasama siya, eh di nasa iba ang attention namin. Gusto ko, sakin lang attention niya at attention ko sakanya lang din.

Aalis na siya mamayang 1am. Hay grabe ang bilis ng tatlong araw na bigay sakanya ng mommy niya.

Sa totoo lang, ayokong paalisin si Sachi eh. Iba yung nararamdaman ko. Parang hindi maganda eh. Ewan ko lang. Siguro, over think lang to.

"Yeobo, I'm done. Anong gagawin natin?" tanong niya agad. Tapos na din naman ako at nakabihis na rin.

Humiga ako sa kama at inaya rin siyang humiga. Gusto ko ganito lang kami. Parehong nakakapag pahinga and at the same time, mag kasama kaming dalawa buong araw.

"Nothing. I just want to be with you all day." and I plant a kiss on her lips.

"Yeobo naman eh!" nakita ko namang namula siya. Ang cute cute cute niya!

"Yeobo, ayokong umalis." sabi naman niya agad sakin kaya naman yung ngiti ko kanina, napunta sa seryosong mukha.

"Ayaw din naman kitang paalisin eh. Bakit ba kasi kailangan Chi?" Hindi ko alam gagawin ko kapag nasa China na siya. Magiging busy rin daw kami this week. Hay.

"Kilala mo naman si daddy eh. Pag gusto niya, gusto niya. Kailangan na lang sundin." Kahit kelan talaga ayaw ko yang tatay ni Sachi. Grabe siya eh, siya nag didictate lahat ng gagawin ni Sachi. Gusto niya siya lang nasusunod.

Kahit sa papakasalan ni Sachi, gusto niya siya ang pipili ng lalaking dapat pakasalan ng anak niya. Kaya nga ito oh, kinasal kami.

Pinlano nila lahat ang agad na pagpapakasal namin ni Sachi. Hindi ko nga alam noon kung bakit ako pa yung lalaking dapat pakasalan ni Sachi dahil malamang masisira career ko kapag kumalat na ikakasal na ako. Eh nung time pa naman na yun, nagsisimula pa lang yung pag sikat ng grupo namin.

[BANGTAN BOYS] MARRIED TO BTS' JUNG KOOKWhere stories live. Discover now