Chapter Two - The Encounter

7.3K 221 97
                                    

SABI nila, kapag alam mong nasa bingit ka raw ng kamatayan, makikinita mo ang buhay na pinagdaanan, at gusto mong maranasan sa hinaharap. Ganoon ang nararanasan ni Brianna habang puwersahang nakikipagtitigan sa lobo. Sumaglit sa isipan niya ang huling pakikipag-usap sa kanyang ina.

***

"BREE, sinabi ko na sa iyong huwag kang sasama sa hunting activities ng daddy at mga kuya mo, hindi ba?" Estellita scolded Brianna.

Tagalog ang gamit na salita ni Estellita sa pakikipag-usap sa kanyang mga anak. Hindi man diresto makipag-usap ang mga ito sa kanya, naiintindihan naman ng mga ito halos lahat nang ibig niyang sabihin. Pero pagdating sa asawang si Gregory, nanatiling sa banyagang lengguwahe ang kanyang gamit dahil kahit kailan ay hindi ito nagka-interes na matuto ng kanyang salita.

"But Mom-"

"Kinakausap kita sa tagalog kaya tagalugin mo rin ako." Putol ng ina kay Brianna.

"Fine! I am going-er, I mean pupunta pa rin ako. Alam naman ninyo na hilig ko na ang pagha-hunting ever since kaya ito na ang regalo ninyo sa 'kin, please? It's my eighteenth birthday naman Mommy e, kaya please na, gusto ko sumama kina Dad at kuya." Pagmamaktol ni Brianna.

Nasa kuwarto ni Brianna ang ina, sa silid niyang mapagkakamalang silid ng mga kuya niya dahil sa sobrang kalat pati mga gamit ay halos mukhang panlalaki lalo na sa mga posters na nakadikit sa mga dingding, kung hindi abstract paintings in dark colors, tough guys carrying heavy weapons, famous myth hunters and local, guns, and equipment na gamit para sa pagtugis sa mga mababangis na hayop.

Maging ang kanyang silid ay dimmed dahil sa kurtinang palaging nakasarado. Gayon din ang kulay ng bedsheets niyang solid maroon ang kulay. May mini hoop siyang nakasabit sa likod ng pinto niya para mag-shoot ng bola kapag trip niya, oo...hindi siya patatalo pagdating sa paglalaro ng basketball sa mga kuya niya.

She wears jeans, shorts and tights almost all the time, tees, army boots and tennis shoes, all in dark and solid colors. She does not wear makeup dahil makati sa mukha. Hindi naman siya loner or anything like that, cheerful nga siya e, masigla, magalaw at makulit.

"Bree, saan ka pupunta?" tawag ni Estellita sa anak nang akmang lalabas ito ng silid.

"I'm sorry, Mom but I'm not listening to you today. This is my day, and this is what I want. Magiging hunter din ako katulad nina kuya Brad at Alfy. I want to be just like Dad."

"AND I SAID NO!" mataginting na boses ni Estellita.

Totoong nagulat si Brianna. For the first time, her mother raised her voice like that, nothing she had ever seen or heard before. At kahit sa matigas niyang ugali, hindi siya makapalag sa ina na kaharap niya ngayon. Nakaramdam siya nang pagkailang na hindi niya kailanman naramdaman noon. Ito ang kanyang ina na hindi pa niya nakikilala.

Her father was the disciplinarian among the two while her mother was a typical mom who stayed home and took care of her children and followed her husband's wishes. But today, she was different. She had an air of authority and it was like forcing her to bow down to her.

"Hindi ka sasama sa kanila. Kapag sinuway mo ako, parurusahan kita, Brianna." seryosong-seryoso ang mukha ng ina, nakakabahag ng buntot kung mayroon lang siya.

"Fine...it's fine alright." Nayayamot niyang sagot.

"Salamat. Dito ka lang sa kuwarto mo habang nasa grocery store ako para bumili ng maihahanda mo mamayang gabi para sa iyong birthday. May gusto ka bang ipabili?" Nakangiti na ang ina, iyong ngiti na madalas niyang makita at nakasanayan.

Umiling lang siya. Sa ngayon ay mas gusto niyang mapag-isa. Iniwan na siya ng ina at saka siya humilata sa kama.

PAGKALIPAS ng ilang minuto, narinig ni Brianna ang ugong ng dalawang sasakyang paparating sa kanilang bakuran. Agad siyang tumayo at nilundag ang hagdanan pababa para lumabas at salubungin ang sakay ng mga iyon.

The MAJESTIC Wolf (Completed)Where stories live. Discover now