Chapter Four- A Dream

6K 177 74
                                    

"SELENE, are you ready?" Isang tinig ng babae ang narinig ni Brianna, parang sa isang matanda.

"Yes, I am." Sagot naman ng batang tinig ng isang babae.

Napakurap si Brianna. Muling namangha sa liwanag na basta na lang lumitaw sa kanyang harapan. Hindi niya kilala ang dalawang babae, isang matanda, at ang isa ay dalaga na nagtataglay nang walang-katulad na ganda. Napailaliman ang mga ito nang maliwanag na kung anumang ilaw na sumisinag sa mga ito.

Kumilos ang dalawang babae. Sumunod naman ang liwanag sa mga ito. Tumayo si Brianna, sinundan din ang mga ito. Nasisilaw man sa liwanag, ikinurap-kurap at patakip-takip siya sa mga mata para masilip pa rin niya kahit paano ang mga babae sa ginagawa.

Napahinto sa paghakbang si Brianna. Nagulat dahil may iba pang naroon bukod sa dalawang babae. Nakapa-ikot ang mga ito sa dalawang babaeng sinundan niya. Nakaluhod, katulad ng magandang batang babae.

Puro babae ang mga naroon. Puting puti ang bestidang suot ng mga ito. Kumiskislap sa liwanag na tumatanglaw. Nagkahugis ang liwanag na nanggagaling sa apat na babaeng nakapalibot sa dalawang babae. Tila kuryenteng nagkadugtong-dugtong para ibalakid sa mga hindi imbitadong nilalang.

Napaigtad si Brianna nang muling pumailanlang ang tinig ng matandang babae.

"Under the gleam of the moon,

Only the brightness we call upon.

Under the guidance of the Majestics,

Who have long met their demised.


Accept this woman,

Whom the Red Stone has chosen.

She has the mind and heart to lead,

A true Alpha and worthy indeed.


They, the long-gone Majestics,

She, the present who now leads.

Hear us, and give us the blessing,

To pass on the Red Stone to the Chosen Being."

Awit-tula ng matanda habang nakatingala sa liwanag. Mahaba ang maputi nitong buhok. Bakas sa balat ang kulubot na pinatanda nang panahon. Kayumanggi ang balat ng matanda, nahihinuha niyang kalahi ito ng kanyang ina. May hawak itong kahoy na animo tungkod, pero kumikinang at hindi ordinaryong tingnan.

Nang yumuko ang matanda at tumingin sa nakaluhod na dalaga, napasunod din nang tingin si Brianna. Ang dati ng magandang dalaga ay lalo pang pinatingkad ng liwanag na bumabalot sa katawan nito. Hindi lang basta ganda ang nakabakas sa babae, naroon ang awtoridad, kapangyarihan, lakas at determinasyon na makikita sa mga mata't mukha nito. Hindi katulad ng matanda, dugong banyaga ang dalaga, maputi ang balat at asul ang kulay ng mga mata.

"Selene, you have come of age and are ready to bear the responsibility of your clan. And as you are chosen by the Moon, we hereby pronounce you as the twentieth Majestic to lead the clan until you are ready to pass it on to the next Majestic. Do you accept?" tanong ng matandang babae habang ang tungkod ay nasa ibabaw ng ulo ng dalaga na si Selene pero hindi nakadikit.

"I accept." Malugod na sagot ni Selene na para bang kaytagal na nitong hinihintay iyon.

Sa pagkagulat ni Brianna, bigla na lang lumitaw ang Pulang Bato na nakita na niya dati. Nakalutang ito sa ere, sa tapat ng nakaluhod na dalaga. Kumikinang ang bato. Sumasayaw ang nagbabagang apoy nito.

The MAJESTIC Wolf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon