Chapter Nine - The Weapon

229 9 0
                                    

Preview of Chapter Nine - read the completed story in DREAME for free. Follow the external link here or find my username MicxRanjo in Dreame and this story. Thank you for your support.

~~~

"Si Estellita, siya ba ang iyong ina?"

"O-oo, pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

Ngumiti ang matanda, pagkuwa'y umangat ang isang kamay at saka parang may kinakapa sa ibabaw ng mesa, nang matagpuan, kinuha iyon at saka ipinakita sa kanya. "Nakikita mo ba itong hawak ko?"

"Yes, it looks like...a bullet." May pagtataka sa reaksiyon ni Brianna habang nakatingin sa bala.

"Hawakan mo, kunin mo sa aking kamay." Iniabot ng matanda ang bala.

"What is that? Why?" Nag-alangan si Brianna.

"Hawakan mo, Brianna. Hawakan mo at panoorin ang mangyayari, at saka ko sasagutin ang ibig mong malaman."

Nag-aatubili man, dahan-dahan niyang kinuha ang bala at saka ipinaloob sa sariling palad. Nakatingin lang siya roon, nang bigla iyong umusok, nagbaga at saka umapoy. "What the hell?" Nanggilalas siya at mabilis na pinagpag ang kamay para apuhain ang apoy subalit naging abo na iyon at nagkalat sa hangin. "What the hell was that?!"

"Ikaw...ikaw ang kauna-unahang taong lobo at Marilag na tanging hindi tinablan ng pilak. At hindi lang basta ordinaryong pilak ang hawak mo, gawa iyan sa pinakamataas na grado mula sa grupong tumutugis sa mga taong lobo, lalo na sa isang Marilag. Iyan din ang pilak na kumitil sa buhay ng magulang ng iyong ina."

The MAJESTIC Wolf (Completed)Where stories live. Discover now