Preview of Chapter Ten - read the completed story in DREAME for free. Follow the external link here or find my username MicxRanjo in Dreame and this story. Thank you for your support.
~~~
"SINO KA!" malakas na tinig na umalingawngaw sa kawalan.
Sumigaw si Brianna sa sakit. Gusto niyang hilain pabalik ang kamay mula sa apoy pero hindi niya magawa. Lalo siyang sumigaw sa sakit sa nararamdamang pagpaso.
"Sino ka!" ulit ng tinig.
"Answer it, Bree!" Singit ni Selene.
"Selene, ako si Selene, ang bagong Marilag! Aah!" sigaw ni Brianna. Sobrang hapdi ang kanyang nararamdaman. Gusto niyang himatayin sa sobrang kirot.
Lalo pang nagliyab ang apoy. Lalong nagalit. Lalo ring dumagundong sa lakas ang tinig. "Pangahas! Hindi ikaw ang sinasabi mong ikaw. Ang itinitibok ng puso mo ay iba sa sinasambit ng iyong isip. Hangga't hindi mo nakikilala ang iyong tunay na sarili, mananatili ka rito, dadamhin ang hapdi na hatid ng aking galit!"
"No. Aaaaah! Gusto nang bumigay ni Brianna. Hindi na niya kayang labanan ang sakit.
"Bree, I'm letting go now. I'm leaving. Si Zév, please...please take care of him for me. Love him for me. And please, keep the safety of our clan. You will learn to love them, they are a part of you, you are them, and they are you. Goodbye, Bree. And I forgive you so please, forgive me too. Now Bree, let go!" malakas na tinig ni Selene.
"S-selene, I'm so—sorry. I'm sorry!" sigaw din niya, naroon ang pagdadalamhati.
Pakiramdam niya ay may parte siya ng katauhan na biglang naglaho. Nakaramdam siya ng lungkot at pag-iisa. Ayaw niyang mag-isa.
"SINO KA!" agaw uli ng tinig.
"Ako si Brianna Ilva Austin. Ako ang kumitil sa buhay ng itinakda mong Marilag, at kapalit noon ay ang pagpasok mo sa akin para ipalit sa kanya. Ako na ngayon ang nakatakda, napili para ituloy ang dugo ng mga Marilag. Tinatanggap ko ang iyong basbas, kaya tanggapin mo ako at ibigay ang nais para sa akin.
YOU ARE READING
The MAJESTIC Wolf (Completed)
WerewolfHer life race against time. Curse against prophecy. And everything is happening without her knowledge until the Majestic Wolf appeared in front of her-the grandest of beauty and whitest of fur ever seen in the century and yet, she killed it. To at...