Chapter Seven - Unexpected Meeting

265 7 0
                                    

Preview of Chapter Seven - read the the completed story in DREAME for free. Follow the external link here or find my username MicxRanjo in Dreame and this story. Thank you for your support.


"Ang sumpang iniatang ay nabasag nang isa pang sumpa.

Ang sumpang kamatayan ay natupad,

Subalit mula sa kamatayan,

Isang buhay ang isinilang.


Siya na tumanggi at isinumpa,

At ang isa na tumanggap subalit naantala,

Sa huling hininga'y kaniyang itinadhana,

Ang dugong Marilag, sa katawan niya'y gumagana.


Siya ay siya, subalit hindi rin.

Marilag na maituturing, subalit sa maling adhikain.

Hawakan siya't panatilihin,

Hintayin ang susunod na Marilag na bubuuin.


Paparating na ang dugong naisalin,

Ihanda ang lalaking sa kaniya'y sisiping.

Sa muling pagbilog ng Buwan sila'y ihain,

Upang mabasbasan ang kanilang mithiin.


Sa paglundag ng Pulang Bato,

At pagkasira ng daloy ng mundo,

Ang Buwan ay lumihis,

At panibagong tadhana ay nahugis.


Ako si Ethel, tinatanggap ko ang mensahe ng Buwan.

At sa kasalukuyan, ako ang susunod sa yapak ni Luperca.

Ito ang utos ng Buwan na dapat sundin nang lahat,

Kapag tumanggi'y kamatayan ang kaparusahan."


~~~

Zév? Narinig na tinig ni Brianna sa kaniyang kamalayan.

"Zév?" wala sa loob na tawag din ni Brianna, inulit ang tinig na narinig sa sarili.

Lumingon kay Brianna ang lalaki at nagtama ang kanilang mga mata. Kumabog ang kanyang dibdib, malakas at nananabik. Zév! sabi uli ng tinig.

"Watch out!" sigaw ni Brianna sabay turo sa itim na lobong muling aatake sa kanilang dalawa ng lalaki.

The MAJESTIC Wolf (Completed)Where stories live. Discover now