Chapter 17: Curiosity Kills!

67 6 3
                                    

Chapter 17: Curiosity Kills!

RED's POV

Kanina ko pa napapansin na parang ako yung pinaka-inoobserve ni Viv. Weh? Assuming si Red.
Pero I swear to whoever reads this, ako talaga eh.

Bakit? Siguro ayaw nya papunta sakin yung condo unit nya, kawawa naman ako. Joke. Edi wag kung ayaw nya, ibili ko pa sya nyan.

"Time's up, kuya Viv." sabi ni Aira na nagbabantay ng oras
Pagkatapos nun tinakpan na yung mata niya at inassure na wala talaga syang makikita.
We fall in line at nanahimik na. Pag may narinig kasing sound si Viv, for sure makikilala ka nya diba? Sayang naman yung condo unit na ayaw nyang ibigay sakin. Bwahaha.
Lumapit sya kay Oliver na nasa unahan ng pila at tinapik lang ito sa balikat. Pangatlo ako sa pila.
"Oliver."
Whow. Galeeeeeng!
Next.
"Summer."
Galing talagaaa!
Okey, ako na.
Hinawakan nya lang ako sa noo at ngumiti.
Dug.dug.dug.
Bakit ang gwapo ni Viv? Ngayon ko lang napansin kasi hindi ko naman sya pinagmamasdan eh. Pero this time free na free ako sa pag tingin sakanya dahil na blindfold sya.

"Red."

Hah?! Yun lang yooon?? Hawak lang sa noo tapos nakilala nya na ko? Oh great. Idol na kita. Ba-bye condo unit ni Viv. Mukang hindi tayo para sa isa't-isa.

"Fifth, Ren-Ren, Zeke.."
Pagkasabi nya nun, sinuntok nya si Zeke ng mahina sa tagiliran tapos nakita kong..

Si Zeke tumawa?
Wow, cute.
Pero sumimangot din sya agad just like the usual.
Natapos si Viv ng hindi nagkakamali at dahil dun, safe sya sa first round pero may next and next next pa. Kinuha ni Aira yung mga papel namin at bumunot,
"Next..

Red Porsche. Whose paper is this?" feeling matanda na tanong niya.
"That's mine." sagot ni Sean.
Ooooooww. Ngayon napapansin ko nang walang wala talagang nandadaya at lahat honest. Mahal na mahal kasi nya yung mga porsche nya eh. Yes, I JUST said MGA. Ginagawa nya kasing parang laruan lang na kino-collect ang kotse. Hindi pa naman nya nagagamit kasi wala pa sya edad para sa license.
"Hoookay." sabi ni Sean tapos tumayo na sa harap.

"I never knew it would be this hard." namamanghang saad nya habang pinagmamasdan kaming lahat at tina-try kabisaduhinang details namin. After 2 minutes nag-blindfold na sya.
This time, pang-seven ako mula kay Renren na nasa unahan.
"Ren-ren!" tuwang tuwang sabi nya habang hinahawakan si Renren sa mukha. May mole kasi sya sa lower right jaw kaya madali lang ma-recognize. Nakita ko namang nag-pout lang si Renren realizing na wala nang chance mapa sakanya ang car ni Sean.
"Ava,"
"Craex,"
"Rain,"
"Oliver!"
"Mirko."
Tumawa si Mirko. Di na ata napigilan kasi sobrang nage-enjoy si Sean sa panghuhulang tama naman.
"Summer?"
O___O

-____-

"Ha? BWAHAHAHAHAHAHA!!" natawa ako ng ganyan kalakas.
Nagsitinginan sila lahat sakin kaya nag-peace sign ako pero hindi pa rin ako matigil sa pagtawa. Ang shunga neto ni Sean. Band mate kami for two years tapos hindi nya pa alam details ng mukha at katawan ko?
"Aish! REEEEDD! TAE KA." Tapos nun tinanggal nya na yung blindfold nya.
"Hahahaha. Oh, you're such a friend. Akina si Red Porsche." natatawang sabi ko pagkaabot nya sakin ng paper.
"Grabe Sean? Diba bandmates kayo? Bakit di mo sya tanda?" -Milan
"Yeah. Why so?" -Kyara
"Eh di ko naman close yang bakulaw na yan eh." -Sean
Tinaasan ko sya ng kilay,
"Gusto mo lubid? Ha? Bigti ka na kaya? I'll help you. Peksman." sabi ko sabay roll ng eyes at him.
"Wag namaaaan."
"Oh well, salamat nalang dito!" sabi ko ng nang aasar.
"Tss. Ays lang. You deserve it though." sabi nya na walang panghihinayang.
"Huh?" -silang lahat
"Di ba obvious?? Kita nyo namang pula buhok nyan eh. Ayos yan para magmukha na syang pulang pula. Pula na kotse pula pa buhok. Mehehe."
"Aaaaah." -response naman nila.
"So you're the first to be out Sean." sabi ni Kyara

Umupo nalang si Sean sa sofa at pinanuod kami.

"Okay, next is... Laptop?"
"Akin yan!" -Milan.

Natapos sila Milan, Oliver, Craex, Rain, Ren-ren, Mirko, Ava at Summer. At take nooooote. Si Craex lang ang naka-ligtas.
Ang natitira nalang ngayon sa harapan ay sina Craex, Fifth, Viv, Kyara, Zeke, Theo at ako na maswerte lang kasi hindi pa nabubunot.

"Hmm." bumunot ulit si Aira sa papel naming mga natitira
"Condo unit ulit? Ikaw na pala Hyung! Galingan mo. ^__^" nagpapalakpak na sabi ni Aira
.
.
.

Tugs.tugs.tugs.
Heartbeat ko yan oy. Kinakabahan ako.
Pano ba naman kasi? Iniisa-isa na kami ng tingin ni Zeke ngayon para-pag aralan.
At ngayon.. Heeeh, sakin na sya nakatingin, tapos kay Craex. Teka kay Craex na?

Eh? Yun na yun? Wow ah. Talagang sumulyap lang sya then lumipat na ng tingin.
Teka bat ba ko nalulungkot? >

Feeling ko lang kasi talaga hanggang ngayon mainit pa rin dugo nito sakin eh, pero hindi sya pwede makipag away sakin ngayon dahil bahay ko to. ^^
Haha! Behave ka lang Zeke..
After 2 minutes na hindi manlang ako ULIT tinignan ni freaky gorgeous guy--este Zeke, nagsimula na sya ng naka blindfold.

Nagulat ako nang bago magsimula si Zeke sa paglapit, nagmamadaling may kinuha si Kyara sa bag nya sa sofa at..

O_____O?

*Wshh.wshh!*
Tinignan ko sya ng isang malupit, galit, at nag-aapoy na 'WHAT THE HELL ARE YOU DOING?!'.
Bawal kasing magsalita eh.
Lahat kami gulat pati yung mga naka-upo na sa sofa. Pinagti-tripan ba ako nitong babaeng 'to?
Inispray-an ba naman ako ng pabango nya. Ano 'ko mabaho? For her info, business ng family namin ang flower business kaya naisipan din ni nanay na magtayo ng pagawaan ng pabango. AT MERON AKONG SARILING PABANGO NA ONE OF A KIND NA GINAWA LANG NI NANAY PARA SAKIN NOH! Grrr!
Hindi ko type amoy ng pabango nya. Mabango naman pero ayoko kasi ngayon,

We already have the same smell! Jeez! Gusto ko talagang sumigaw ngayon sa pagmumukha nya.
She just smiled and winked at me tapos bumalik na sa pwesto nya.

Just wait Kyara.
I'll let you meet my fist later.

___
Humakbang na si Zeke at hinawakan sa buhok si Viv na nasa una sa linya.
"Viv."
"Hahaha. Galing." -Viv
"Theo."
Ngumiti lang si Theo,
"Fifth, Craex."
Okay. Magaling sya. Pero napansin kong hindi sya masyadong nagfocus sa paghawak. He's kinda smelling us.

Wait, was that a form of cheating??
I thought TOUCHY game to? Eh bat may nang-amoy?
At bakit di sya dini-disqualify ni Kyara?
Ay. Sila pala.
Lumapit sya sakin, nasa dulo kasi si Kyara ngayon. Mukhang tuwang tuwa pa nga sya na lumalapit na si Zeke samin.
*Zeke sniffs slightly*

Kailangan nya talaga ako amuyin ng ganya--

"K-kyara?"

O______O
Ako? Kyara?

I saw her on my peripheral view. She smiled.

YESS! Panalo ako! CONDO UNIT NI ZEEEKEEE!

Wait. Nooo! O_O
Pinagkamalan nya akong...

SI KYARA? THE HECK. Ano ba naman yan! Bakit? Bakit naman?
Aish. Dafug. Diba nga sa pabango? Ang ano ko naman eh.
Pero bakit ginawa niya ginawa yun? Bakit nilagyan nya ako ng pabango nya para pagkamalan ako ni Zeke na sya? Bakit? Para manalo ako? Para makuha ko yung paper ni Zeke? Tapos ano? Anong mapapala nya? Aaah! Ginusto ba nyang maalis si Zeke? At bakit hindi nalang sya yung naglagay ng pabango ko para sya yung makakuha nito? Omo. Para ba sakin magagalit si Zeke kasi nagpanggap akong si Kyara? So it's either iisipin nyang inggit ako sa girlfriend nya OR I'm too desperate to get his paper.
Waaaaah. Curiousity kills! KYARA GONZAGA. YOU'RE DEAD MEAT!!

___

A/n: The next chapter will be dedicated to these two sweet readers of mine. Isa kayo sa mga unang bumasa at sumuporta sa kwento kong hindi pa manlang umaabot ng 50 votes. Pero okay lang, marami pang babasa nito, tiwala lang tayo. ^____^ diba?
@lynnfallaria
&
@TrishaDeVega

Fated To Be A Gangster (ON-GOING)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ