Chapter 34: Parental Guidance

67 3 0
                                    

Chapter 34: Parental Guidance

Red's point of view

"May mga magulang talaga na handa kang damayan at meron ding walang pakialam. Merong mahilig mag-motivate ng anak nila, meron ding sila mismo ang nagdo-down sakanila. Merong mapagmahal at mapagpahalaga, meron din namang iniisip na basta maibigay lang nila ang financial needs ng mga anak nila, okay na. There really are parents who don't know how much we need emotional conscientiousness more than physical and financial care."




"Yu-yu-yu-yun oh!" Pumalakpak si Troy ng napakalakas. Si Viv napakurap ng dalawang beses at natawa na parang bilib na bilib sya sa narinig.


Kami naman nina Rain at Mirko napa-tango tango nalang.

Kung bakit napadpad kami sa ganyang topic, hindi ko alam. Rain was giving random topics hanggang sa nakarating kami sa gantong usapan. Basta ang alam ko lang, nandito kami ngayon sa hospital na pamilya daw ni Mirko ang may ari. Kanina ko pa gustong itanong kung bakit ang kwartong binigay sakanila ay may seven beds-which is sakto lang sa kanilang pito.



Nakakapagtaka. Mukhang reserved ang room na 'to para sa kanila kasi hindi mukhang ordinary room lang. Things here are much more luxurious than any other hospital rooms. Bakit kaya? Palagi ba silang nao-ospital? O sadyang handa lang sila kung sakaling may mangyari sa kanila?

Ang weird naman.


Kinalabit ni Mirko si Craex, "Naks, kinabisado. Yebaaa."

"Tado, imbento ka ah," pag-cross arms ni Craex.

"Hahahaha! Maniniwala na kasi sana ako, kung hindi lang ako aware na family-oriented ka, tukmol. Panong nangyaring hugot na hugot ka jan?" tanong ni Mirko pero halatang bumilib din naman sya sa sinabi ni Craex.


"Porket alam ko hugot agad? Sadyang matalino lang ako. At saka galing rin akong balon, nag-igib ako ng ipampapaligo mo kasi ang dami mong alam maligo lang hinde. Na-meet ko pa nga dun si Sadako. Crush nya daw ako. Tae pare, chick!"

Hindi nanaman nagpadaig si Mirko, "Ah, oo. Kaya wag ka nang babalik dun kasi lulunurin ka na non. Galing naman na kasi ako dun, kukuhanan din sana kita ng ipapaligo mo kaso pinaalis ako nung chick na may mahabang buhok na nakalagay sa mukha. Bawal daw ako dun, sobrang gwapo ko kasi."



"Ano ba naman yang pinaguusapan nyo. Walang kwenta. Para kayong nafi-fliptop. Teka nga, naligo na ba kayong dalawa?" tanong ni Rain. Nagturuan naman agad yung dalawa.

"Sya di pa," sabay nilang sagot.

At dahil malayo sila sa isa't-isa at pareho rin silang tinatamad na tumayo, nagangat na lang sila pareho ng fists na parang nagbabanta na 'mamaya ka sakin'. Tapos tumawa sila.

"Alam nyo, kanina pa kayo nagbabangayan. May namamagitan ba sa inyo?" Viv smirked then laughed out loud.

"Ayan oh, bakla."

Nagtawanan nanaman kami dahil sa sabay nilang sinabi.

Napangiti nalang ako. Si Mirko at Craex kasi ang nahahalata kong kanina pa nag-lalaitan.

Tinignan ako ni Troy at nginitian. "Ikaw Red, may iku-kwento ka ba?"

Agad naman akong umiling ng ilang beses. "Wala naman," Ayokong magkwento.
"Masakit pa ba?" Iniba ko ang usapan.

Bale ako lang ngayon ang nakaupo sa white couch habang lahat sila nakahiga at nagpapahinga. Si Zeke at Fifth, na natutulog ngayon ang napansin kong pinaka-napuruhan. Tinignan ko si Zeke. As usual, gwapo pa rin sya kahit tulog. Sobrang nasaktan kaya ang isang 'yan?


Fated To Be A Gangster (ON-GOING)Where stories live. Discover now