Chapter 26: The Ball

68 6 0
                                    

Chapter 26: The Ball

Red's point of view

“Ano ba, ayoko nga kasi sabi!”

“Ano ba rin, hindi nga pwede yun! Ngayon ka pa ba aatras? It's a big no no, Red.”

“Anak ng--naman yan e. Nakaka-ewan! Hindi ko naman kasi alam na ganito ka-baduy 'tong damit! Meron lang sigurong 0.001% possibility na bumagay 'to sakin. Pero siguro lang yun. Baka nga wala talagang possibility.”

Hoy Red ah, anong baduy? Porke ba pink yan baduy agad? Agad agad?! Grabe sya oh. And duh? Sayo? As in ikaw? Kelan ka pa hindi binagayan ng mga damit na sinusuot mo? Kulang na nga lang magsuot ka ng basahan para naman mabawasan kahit minsan 'yang ka-astigan mo e. 'Yang ganda mo pang 'yan yung pinagdudahan mo? Hala ka.. Bawiin yan sayo ni Lord. Haha. I'm sure you won't fail to look fab naman later. Sigurado.

“Alam mo kung ako sayo wag mo na 'kong utuin. Hindi benta sakin 'yan pangako.”

AND AGAIN, FOR THE NTH TIME. Bumuntong hininga nanaman ako at nilingon ang dress sa tabi ko. Dress. As in shining shimmering dazzling baby pink dress, which I'll supposedly wear for the celebration na gaganapin in, like, more or less 2 hours from now. Alam kong dapat gumagalaw na ako o kahit nagpa-plano man lang pero wala. Ayokong pumunta and that SEEMS to be my final decision. Hindi ko lang magawang sabihin kay manager dahil nahihiya ako.

NAKAKAINEEEEESSSS!!!!

Oh jeezling. Ano ka ba?! Match na match kaya nyan ang rosy cheeks mo. Alam mo namang gusto kong ako nalang ang mag ayos sayo jan ngunit subalit datapwat, may buhay din ako.. may mukha ring papagandahin for the ball. Well, maganda naman na pero ile-level up lang. Haha! And.. On the way naman na yung mga stylist. Oh see? May special treatment ka pa talaga galing kay manager dahil alam ng instincts nya na kung wala syang ipapadalang taga ayos sayo e hindi ka rin maghe-hesitate na pumunta ng party na walang kaayos-ayos! Panis, ang powerful mo!

“Powerful your face, Ava. Haist..”

Ano ba 'yan, parang dress lang nafru-frustrate ka na. Ano pa kaya mamaya pag sasayaw ka na?

“ANO?!”

“H-ha?? W-wala! Sabi ko tama na ang drama at kumilos kana bago ka pa maging statue of liberty dyan.”

“Heh. Whatever.”

Oh, go na sis! Sabi ko naman sayo diba, first times are the bestest. And this is the time for first. O sige, they're gonna fix my face already. See you there. Bye!

“Huh? Teka--Hello? Hello?!”
Dial tone. Pinatayan na ako ng babaeng 'yon at ngayon..

As in ngayon? Ha-ha!
Hindi ko lang naman alam kung anong gagawin ko. At anong mas malala? Sya nasa make up stage na samantalang ako, eto. Fresh na fresh. Sitting pretty. Ew, ang pangit ng term. Sitting bossy nalang, o yan. Maupo lang tayo at magpaka-chill... Tama, tama.

Mas mabuting pumatay lang ako ng oras habang yung ibang a-attend din ng ball ay kumakaripas na ng paghahanda. Kesa naman nag-iisip ako ng nag iisip diba? Panira lang ng araw.

Okay, realtak.
Do I really have to wear this? BAKA KASI MATAMPO SI MANAGER??!! AYAN NA MABABALIW KANA DAHIL SA DRESS NA YAN, RED. PINK KASI YAN KAYA AYAW MO NOH? KASI HINDI RED?? TEKA BAT BA NAKA CAPS LOCK?
Okay ayan.. kasi naman. Nate-tense na 'ko. Nate-tense ako kasi baka magalit silang lahat sakin pag di ako pumunta at mawalan ako ng kaibigan for few weeks. Ang aray nun. I can't bare with that.
Hmm.. Maganda naman kasi 'tong damit kaso ini-imagine ko palang parang kakaiba na sa feeling ng naka suot ng ganyan. Ano bang feeling?

Then I suppose, napakaraming first times ang naghuhumiyaw para maranasan ko mamaya. Una, first time kong magsusuot ng dress. Pangalawa, first time kong magby-baby pink. Pangatlo, first time kong a-attend ng ball. At pang-apat! WAH. First time kong magme-make up.

Okay, so in one...

Two...

Three..

Buntooooong hiningaaaa.

Haiyst.
Wala e. Ayaw talagang bumitaw ng pwet ko sa bed sheet lalo pa't tuwing tinitignan ko 'tong dress at glass heels na binili ni manager, nas-stress ako lalo. Bale sa mga binili sakin ni manager na pasalubong galing US, itong sapatos lang ang magagamit o gagamitin ko since etong dress, dineliver lang galing ng mansion nina manager.

Oh noes. I can fell craziness spreading all over my nerves!
Langit, lupa.. Lamunin na ako ng isa sa inyo please?!
Bakit ba kasi pinoproblema ko ang simpleng pagsusuot ng dress? Teka kasalanan ko ba kasing ayaw ko ng mga ganyan?!

Hindi ako tomboy okay, ang ewan naman ng idea nayun. Pero ayaw ko lang talagang mag-dress... for some unknown reason.
Inuulit ko. Unknown reasons, meaning maski ako hindi ko rin alam. Ang gulo ko.

Tsk. Sila naman kasi. Ang dami nilang alam maligo lang hindi.
Joke lang! Haayy.

I glanced at the digital clock na sa hallucinations ko e nakangiting mapang-asar. O sadyang nakakaasar lang talaga lahat ng bagay sa paligid ko? Talaga naman oo.
Sumakto pang inaatake ako ng PMS. Kainis talaga. T-T
6:16 pm.









No choice. Tumayo na ako, pumasok sa bathroom at naligo.

Fated To Be A Gangster (ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن