Chapter 28: Patiently Waiting

64 6 0
                                    

Chapter 28: Patiently Waiting

Red's point of view

"So.. okay na miss Red. You are ready for the ball. Mr. Collins is patiently waiting for you outside."

Kung pano nag-form ang kinikilig na ngiti ng mga stylist na 'to ay sa ganung paraan din dahan dahang lumaki ang mga mata ko..

Loading...
10%...

11%...

12%.. xxx FAILED!!

"ANOOO?!" halos lumuwa ang lalamunan ko. WATDAPAK.
"Collins.. Collins as in Zeke?! Zero Kenith Collins, ganon?!" sigaw ko.
Sabay sabay naman silang nagtaka sa tanong ko na para bang, 'hindi nya alam?'

OO HINDI KO ALAM! BWISET.

"Yes, miss. Isn't he your partner for the cotillon?"

ASDFGHJKLQW. Partner?! Partner e hindi nga ako kasali sa cotillon?! Aba naloko na.
Umiling-iling ako, dulot ng pagiging speechless and I took off my heels at padabog na umupo sa kama.

ISA'T KALAHATING TAKTE NAMAN 'YAN OH! Jino-joke time ako ng tadhana!
"Miss--"
"Get out of my room. Hindi na ako pupunta. Pauwiin nyo na rin yung naghihintay sa labas."
"Pero--"
"Anong sabi ko?!" Binigyan ko sila ng killer glare. Wag nila 'kong ginagalit dahil nag-aapoy na ako ngayon sa badtrip. Baka masunog bahay namin.

Wala naman silang nagawa kundi lumayas nalang bago ko pa man ibato sakanila 'tong naghuhumiyaw na takong ng sapatos ko.
Tss. Hinding hindi ako sasayaw ng ballroom kahit pa slowdance lang yan at never will I dance with that jerk! Gets? Hoo.
Huminga ako ng malalim... Hindi ko akalaing isasali nila ako sa opening dance ng wala akong kaalam alam at hindi ako nakapag practice. Wow lang.

Huhubarin ko na sana ang dress ko kaso lang hindi ko maabot yung maliit na button sa likod.
"Come on..." I groaned habang pinipilit kong abutin.
Bat ba kasi ang iiksi ng braso ko?
Lumingon ako sa pinto nung makarinig ako bigla ng katok,
"Mam Rid??" si Cinderella. Sakto..  I'll ask for help.

"Pasok."

Habang nakataas pa nga ang kanang kamay ko at visible pa ang maputing kili-kili ko sa kadahilanang kaylangan ko maabot ang likod ko.. bumukas ang pinto. I am about to open my mouth to ask her for help pero mukhang na-tuliro ang bibig ko at nanatiling naka-nganga sa halip na magsalita.

Agad kong binaba ang braso ko at sinara ang bibig ko.
Is that Zeke? Sana hindi.. Sobrang gwapo kasi ng lalaking nasa pinto ng kwarto ko na kasama ni Cindy. Baka lang hindi talaga si Zeke yan at ang masungit na Zeke ay nasa ibang planeta. SHEEEHET!
YAYA BAKIT ANG SAMA MO?!

Kumunot ang noo ko nang magising ako sa katotohanan,
"Diba sabi ko--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nalang syang lumapit at hinila ako sa braso palabas ng bahay.

So. Ayan ba ang patiently waiting, ha?

"You need to go with me." chill na sabi lang nya habang ako, mauubusan na ng lakas sa pagpupumiglas.
"Teka! Ayoko Zeke ano ba a-rray! Hindi nga ako pupunta!!" pilit kong hinihila ang sarili ko pero ayaw talagang matanggal.
Putakte?! Ang sakit na ah? Ano bang meron at ang lakas nito?! Iron man ikaw ba yan?

"Don't mess with the ball and stop screaming 'cause you're seriously annoying." he said in monotone.
"Aba't-- ANNOYING?! HINDI MO BA ALAM NA NAKAKABADTRIP ANG TAONG BIGLA BIGLA NALANG NANGHIHILA HA?? ANO BA, BITAWAN MO KO! PAG AKO NAINIS--"
"What?" huminto sya saglit para itanong 'yan pero nagpatuloy din sya sa paghila. Hindi ako nakasagot. Shiz. Umurong ang dila ko dun ah.

Fated To Be A Gangster (ON-GOING)Where stories live. Discover now