Chapter 33: Knackered

52 3 1
                                    

Chapter 33: Knackered

Red's point of view

Kasalukuyan akong nagliligpit ng gamit ko. Yeah, yeah. Ngayon na nga mismo ang trip namin. I mean mamaya. Binigay kay Zeke ang map. 1pm palang naman. Inoffer ang school bus pero mas pinili naming mag sari-sariling kotse nalang.

Nag ring ang phone ko. Unregistered number.
"Sino to?" bungad ko.

Tumawa ng mahina yung nasa kabilang linya.

Dug. Dug.
Wag mo sabihing... kilala ko sya?

"Hello too."

"Zeke?"

Hindi sya sumagot. Naghintay ako ng mga 15 seconds pero wala parin. So ano? Pakiramdaman kami? Paano pala nya nakuha number ko?

"Ano?! Wala ka bang sasa--"

"I'll pick you up."

"H-ha?"

"Sabay kako tayo. S-susunduin kita." Para syang kinakabahan na ewan. At, nag tagalog po sya.

"Eh? Bakit?" May sasakyan naman ako.

"I-it's okay if you don't want to. Bye."

"A-ah saglit!!"

"Why?"

"Bakit mo 'ko gustong isabay?" What the. Hindi yan yung gusto kong itanong!! Bura! Erase! Scratch that @#£%&$\!

"Uh... J-just to accompany you. The road is long. You may get bored."

Pinagmasdan ko ang phone ko ng kunot-noo. Uh. Concerned ba sya o talagang gusto lang nya ng may kasama?

"Sige."

"Alright, I'll be coming at--"

"Teka! May kapalit." Eto na.

"What?!"

"Ayaw mo, di wag."

"Aishh! No, no, go ahead."

Ngumiti ako ng nakakaloko.
"Magtatagalog ka hanggang matapos yung punishment nating lahat."

"WHAT THE HECK?!! Are you seriously kidding me?!"

Fated To Be A Gangster (ON-GOING)Where stories live. Discover now