Chapter 35: Punishment-Day 1

77 2 0
                                    

Chapter 35:
Punishment-Day 1

Red's point of view

"ZION RESOOORT! ANDITO NA 'KOOO!!"

Tinaas ni Troy ang mga braso nya  na parang kayang kaya nyang yakapin ng buong buo ang lugar na nasa harap namin. Pagbaba palang ng kanya kanyang sasakyan, bumungad na sa amin ang napakalakas na hangin na parang mananampal sa sobrang galit.

Yeah. Nandito na kami.

Ang sarap dito. Parang paraiso lang. At lalong hindi ako makapaniwalang private property 'to ni Mr. Wilson. Somehow I came to think na siguro dati 'tong resort na ipinasara o kaya, magbubukas palang.

____

Almost white sand, blue water, fresh air, trees and everything under the setting sun makes me snow under. It's like I'm on oblivion. Wala akong pakialam kung anong ginagawa ng mga tao sa paligid ko, basta ang sarap lang tignan ng palubog na araw. Kakaiba. The bluish sky shows its lightest appearance, with the pinkish-orange strands of clouds  scattered everywhere above, covering the sun from my sight, makes the phenomenon more amusing.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Yung mga kasama ko? Sa pagkakatanaw ko, sina Summer, Ava at Aira kasama sina Troy, Craex, Mirko, naliligo.

Yung iba naman tulad nila Zeke, Theo at Viv may ginagawang kung ano sa buhangin. Tinatabunan yata yung katawan ni Airo.

Meron namang mga talagang masakit pa ang katawan kaya hindi pa pwedeng ma-pwersa katulad ni Fifth, kaya nasa tapat sya ng bonfire kasama nina Rain at Oliver habang naghahanda ng hapunan.

Ako? Nasa tabi ng malaking bato. Wala lang. Gusto ko lang tignan silang lahat mula dito.

Si Kyara?

Ha-ha.

Kung itatanong nyo.

Eto. Katabi ko.

Awkward man 'to at pwede naman sanang hindi ko sya payagang tumabi sa akin nung nagtanong sya kanina, pero naramdaman ko ang pagka-sincere nya at base sa nakikita ko, parang wala na syang ibang malalapitan ngayon.

Kung maliligo rin sya sa dagat, malamang lalayuan sya nung mga naliligo. Hindi rin sya pwedeng lumapit dun sa mga naglalaro sa buhangin at natural mahihiya sya kung dun sya pu-pwesto sa bonfire.

Anong rason? Obvious na obvious! Ayaw sa kanya ng lahat.

Pero kahit na ilang beses na akong bineast mode ni Kyara, may puso parin ako. Sya lang naman ang wala eh. Tignan nyo. Sumasama na tuloy ang isip ko.

"Bakit pala naisipan mong sumama?" Ako naman ang nagtanong tutal kanina pa sya tanong ng tanong. Pero casual lang ang tono ko. Yun tipong 'just making convo, i don't really care kung anong isasagot mo.'

Pero hindi gaya ng inaakala ko, mukhang nagulat sya dahil bigla ko syang kinausap. Well, same goes with me. Ako rin naman nagulat. Kanina lang wala akong interes sa kanya eh.

Napalingon sya sa akin ng saglit bago binalik agad ang tingin sa buhangin. Hindi rin ako nakatingin sakanya, diretso lang sa dagat ang tingin ng mga mata ko.

Napatingala sya at ngumiti ng mapait bago nagsalita, "Actually I don't know." Bumuntong hininga sya, "Pwede nga naman akong hindi sumama, since hindi ako sumali sa chat. Active lang ako that time."

My brows furrowed and started being confused. Nag-iba si Kyara. Sobrang laki ng pinagbago nya. Kung dati bungangera sya at mataray, ngayon parang takot na takot na syang makakuha ng atensyon ng iba. Parang nanghina sya. Naging tahimik. Hindi narin sya masyadong nag-aayos. Plain nalang ang sinusuot nya at wala na gaanong accessories at make up. Anong trip nya?

Fated To Be A Gangster (ON-GOING)Where stories live. Discover now