First Sight

2.6K 118 1
                                    

"Hello everyone! Thank you for coming and for supporting us. I just want you all to enjoy and relax." -Glaiza said to the audience

Nagsimula ng tumugtog ang banda ni Glaiza na tinugtog ang Sayo Pa Rin.

Lahat ay tahimik na nakikinig habang ang iba naman ay sumasabay sa mala anghel na boses ni Glaiza.

"Bestie grabe ang ganda naman ng boses niya." Sally said to Rhian

Habang si Rhian ay na amaze din sa ganda ng boses ng kumakanta sa stage. At pilit inaaninag ang mukha ng vocalist dahil nga nasa malayo ang puwesto niya.

Nakasanayan naman ni Glaiza na bumaba ng stage at makipagkamay sa kanyang mga tagahanga. Bumaba ito at naglakad sa direksyon nila Rhian.

Na excite naman si Sally kaya hinila niya ang kaibigan para makita nila ang mukhang anghel na kumakanta.

At di nga sila nabigo lalo na si Rhian dahil nakita niya ang buong mukha ng vocalist hindi lang boses anghel kundi parang anghel ang mukha nito na napakaamo at napakaganda lalo na ng ngumiti ito sa kanyang mga tagahanga.

Napangiti lang si Rhian at di niya alam kung bakit yun ang naramdaman niya. Na para bang na love at first sight siya.

Natapos ang mall show ng banda ni Glaiza at hindi maubusan ng kwento ang magkaibigang Rhian at Sally sa napanood nila.

Hanggang sa magyaya si Rhian na manood ng sine at kumain na din sila pagkatapos.

Masaya naman ang banda ni Glaiza dahil naging successful na naman ang mall show nila. Kaya nag group hug sila.

Sabay sabay ng umuwi sila Chynna, Abby at Wila habang si Glaiza ay sumakay na din sa kanyang sasakyan.

Maaga natapos ang mall show kaya naisipan ni Glaiza na magtungo muna sa RK at dun magpalipas ng oras. Pinanonood niya ang replay ng mga race ni Rhian.

Si Rhian at Sally naman ay nag enjoy sa kanilang pinanood at nagyaya na si Sally na umuwi dahil may lakad siya ng maaga bukas. Ganun din naman si Rhian dahil may practice siya sa Clark kinabukasan.

Dinaan muna ni Rhian si Sally sa bahay nito bago dumiretso sa kanyang condo.

Nasa parking lot na siya at sumakay ng elevator papunta sa kanyang unit.

Nahiga muna siya sa kanyang kama at di mawala sa isip ang mga nangyari kanina sa mall. Lalo na ang mukha ni Glaiza habang kumakanta ito.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya. Straight siya at nagtataka din siya kung bakit napapangiti siya sa tuwing maiisip ang mukha ng vocalist.

Naisipan ni Rhian na pumunta ng c.r para magshower at para na rin makatulog na siya dahil may lakad siya bukas.

Samantala si Glaiza naman ay umuwi na rin sa kanyang condo galing RK.

Wala nga pala siyang lakad bukas kaya nanood ng lang muna siya ng movie sa kanyang sala habang kumakain ng pepero.

Natapos niya ang isang movie at nagtungo na sa kanyang kuwarto para matulog.

Mutual Admiration (Rastro FanFic)Where stories live. Discover now