Face to Face

2.2K 115 0
                                    

Papasok na si Glaiza habang palabas naman si Rhian kaya naman sa ikalawang pagkakataon ay nagkabanggaan sila. But this time nakita nila ang mukha ng isa't isa.

Habang nakamasid ang mga kaibigan nila sa kanilang mga kilos. Kinikilig sila para sa dalawa lalo na si Chynna.

Unang nagsalita si Rhian.

"Hey Miss I'm sorry!" Rhian

Nakatitig ito sa mga mata ni Glaiza kaya naman ni hindi makatingin si Glaiza kay Rhian na mukhang nahihiya ito.

Nagsalita ulit si Rhian.

"Hey are you ok Miss?" sabi ni Rhian

Mukha namang natuod na si Glaiza at napansin ito ni Chynna kaya agad itong lumapit at inakbayan si Glaiza.

"Ui tsong ok ka lang ba? I guess this is the right time para magkakilala na kayo. Rhian I would like you to meet my friend I mean my bestfriend Glaiza. Remember yung guitar na pina sign ko sayo the first time we meet para sa kanya talaga yun. Diba tsong kilala mo naman na siya yun nga lang hindi ng personal" nakangiting sabi Chynna na inaasar si Glaiza

"And tsong si Rhian nga pala yung bago kong friend." Chynna said towards Glaiza

Nakangiting nakatingin si Chynna sa dalawang kaibigan.

Unang nag offer ng hand si Rhian for a handshake. At sinundan naman ni Glaiza na nakipag handshake din.

Kinikilig naman si Chynna habang pinanonood ang dalawa.

Nagpaalam na muna si Rhian para lumabas dahil may kelangan siyang tawagan.

At nagtungo naman sina Glaiza at Chynna para puntahan sila Abby, Wila at Sally.

Pinakilala rin ni Chynna si Glaiza kay Sally at sinabing bestfriend ito ni Rhian. Kinilig naman si Sally dahil na meet niya in person si Glaiza.

Nagsimula na silang kumain at magkuwentuhan. Nang biglang bumulong si Glaiza kay Chynna.

"Tsong bakit hindi mo naman sinabi na kasama natin si Rhian dito? Hindi ako prepared tsong tingnan mo tuloy natulala na naman ako sa harap niya. -bulong ni Glaiza kay Chynna

"Tsong sinadya talaga naming hindi sabihin sayo dahil kilala kita tsong iiwas ka na naman na makilala si Rhian. Pinlano namin to tsong para sayo gusto ka namin na maging masaya. Kaya huwag mong sayangin yung pagkakataon na makilala siya. Kapalan mo na yang mukha. Kaya mo yan tsong wag ka mag alala susuportahan kita tsong anuman ang mangyari." Chynna said to Glaiza

Rhian's POV

Iniisip ko kanina pa ang scent na ni Glaiza nang magkabanggan kami parang naamoy ko na siya hindi ko lang alam kung saan. Pero namangha talaga ako sa ganda niya at mukha siyang mabait.

Nagbalik na si Rhian sa mga kaibigan at napuno ng tawanan at kuwentuhan ang pag uusap nila. Pero si Glaiza ay tahimik lang na nakikinig sa mga kaibigan dahil napapansin niyang kanina pa nakatitig si Rhian sa kanya. Buti na lang at mejo madilim ang ilaw kaya hindi nila nakikitang nagba blush ito.

Mutual Admiration (Rastro FanFic)Where stories live. Discover now